Zaira's POVNang matapos kaming maghapunan ay nag paalam na si Kuya Aaron na uuwi na siya.
Nakatanaw ako sa kanila ni Ate George habang nag papaalaman sila sa labas ng bahay. Bagay na bagay silang dalawa. Gwapong-gwapo si kuya Aaron at napaka ganda din naman ni Ate George.
Simula ng makita ko si Ate George ay namangha na ako sa kanya. At sa iilang araw na magkasama kami ay masasabi kong mas lalo akong humahanga. Laki siya sa yaman pero wala siyang kaarte-arteng tumulong sakin noong burol ni mama.
I look up to her. Tila ba para akong batang iniidolo siya. Na aamaze ako sa tuwing mag sasalita siya, maging sa kilos at angas ng dating niya.
"Tara, tulog na tayo." Nakangiting anyaya sakin ni Ate George pag balik niya.
Tumango naman ako at agad na sumunod sa kanya. Dumiretso kami sa kwarto at sabay na nahiga. Medyo naiilang ako dahil sa laki ng kama at mas naiilang akong katabi ko siya ngayon.
"Anong tingin mo kay Aaron, Zaira? Bagay ba kami?" Tanong sakin ni ate George.
"Bagay na bagay kayo ate! At kitang-kita ko sa bawat kilos niya na sobrang mahal ka niya." Agarang tugon ko. Napatawa naman siya sa mabilis kong sagot. Matapos niyang tumawa ay tila nalungkot ang itsura niya. "May problema ba ate? Parang nalungkot ka bigla? May nasabi ba akong mali?" Sunod-sunod kong tanong. Nag aalala.
Tumingin siya sakin at pilit na ngumiti, "wala kang maling nasabi, may ibang dahilan kung bakit ako nalulungkot. Okay lang bang mag open ako sayo?" Sabi niya.
Naupo akong agad. "Sige lang ate. Makikinig ako." Sabi ko pa. Ewan ko ba, pero sarap na sarap akong tawagin siyang ate. Napupuno ako ng tuwa sa puso ko, dati ay nangangarap ako na magkaroon ng ganito. Yung maka heart to heart yung kapatid sa mga problema. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa tuwang nararamdaman ko.
Naupo rin siya at magkaharap na kaming dalawa. "Gusto ko na kasi sanang mag settle," sambit niya. "Gusto ko habang bata pa ako ay magkaroon na ng pamilya. Sigurado na ako kay Aaron at gusto ko ay siya na ang makasama ko habang buhay pero parang wala pa siyang plano at hindi pa siya handa." Malungkot na kwento niya.
"Hindi ka pa ba niya niyayaya?" Tanong ko at umiling siya. Pero ewan ko ba, pakiramdam ko ay malabo ang sinasabi niyang hindi pa handa si kuya Aaron. Dahil sa nakikita ko ay mahal na mahal niya si ate George. Baka naman, nag paplano na siya at biglang man susurpresa. "Wag ka ng malungkot ate, ikaw na rin ang nagsabi na sigurado ka na sa kanya at siya na ang gusto mong makasama habang buhay. So, wala ka ng dapat ipag alala, dahil as long as mahal ka niya darating pa rin naman sa punto na maiisip niyang mag settle na rin. Mahalaga pa ba kung ngayon yon o kung kailan man niya maisip? Ang importante naman ay siya ang mag yayaya sayo at ikaw ang yayayain niya." Sabi ko.
Ngumiti siya sakin at tila ang ngiting yon ay kumikinang sa mga mata ko. "Salamat! Tama ka, ano bang halaga kung matagalan pa siya maging handa. Ang importante ay siya at ako pa rin." Sabi niya pa. Ngumiti naman din ako. "Alam mo, gustong-gusto ko na magkaroon ng kapatid na makakausap ko sa tuwing may mga problema ako. Masaya ako ngayon, at natutuwa din ako sa tuwing tatawagin mo kong ate." Dagdag niya.
"Ganon din ako. Hindi pa din ako makapaniwala na ang dating pangarap ko lang ay eto at nangyayari." Masayang sabi ko.
Nahiga kaming ulit at nagkwentuhan.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...