Chapter 78

127 10 13
                                    


Cindy's POV

"Wow! Ang ganda naman dito! At ibang iba yung lamig ng panahon!" Bulalas ni George habang nakatanaw siya sa view na tanaw mula sa hotel room namin.

"First trip mo to out of the country diba?" Tanong ko at tumango naman siya. Kita ko sa mata niya ang saya na parang batang namamangha sa kanyang mga nakikita. "Madami tayong chance na makapag gala! Itour kita dito sa Korea. At alam mo bang ngayong April ang best month na bumisita dito. Spring kasi and for sure you would love to see cherry blossoms!" Nanlaki naman ang mata niya sa excitement pagkasabi ko palang noon.

"Okay lang ba kung bukas na kayo mamasyal? Balak sana kitang isama sa business meeting ko anak. And tell me some of your ideas about our business." Saad ni Nick. At ngumiti naman si George.

"Yes dad. Gusto ko din makita at mapag aralan ang business natin." Nakangiting pag sang-ayon nito. "Wait lang po ah! Aayusin ko lang po ang mga gamit ko sa kwarto." Paalam niya at nakangiti naman kaming tumango.

"Sobrang gaan ng nararamdaman ko ngayon hon! Akala ko ay hanggang pangarap ko na lang ito! Napaka saya ko na bumalik na muli sakin ng buo ang anak ko." Naluluha sa tuwang saad ni Nick.

"Kahit ako ay muntik na ding mawalan ng pag asa. Pero napaka buti talaga ni Lord at naging posible pa din na matanggap na tayo ni George." Nakangiting sabi ko.

Matapos naming mag ayos ng mga gamit ay dumiretso na kami sa business meeting ni Nick. Pagkarating doon ay buo niyang pagmamalaking ipinakilala ang kanyang anak. Sa meeting ay pinagplanuhan ang mga sunod na projects at mga next goal ng polaris.

"Nak, do you have any suggestions?" Tanong ni Nick matapos magsalita ang nag present ng mga projects and goals.

"I just finished reading this dad." Tugon ni George. Tinutukoy ang folder na hawak niya kung saan nakalagay ang reports and records ng polaris. "I noticed that this company is only focusing on high class individuals? But how about, the upper or mid class?" Tanong ni George.

"Because Polaris is for high class people only. We have the high interest and the safest bank all over the world. We can't afford to lose our reputation for lower class people." Tugon naman ng isang lalaking nandoon. He is a Filipino. Most of the board members are Filipino's. Yon ang gusto ni Tito Ramon. Na mas madami pa ding pilipino ang mamuno sa kanyang business at iilan lang ang banyaga.

"There's a lot of people that can still be trusted even if they are not in high class." Pag diin ni George. "Polaris is a well-trusted bank because when it comes to security, privileges, funding, money interests and so forth. Polaris is the most popular. Polaris is number one. So why not we give chance to upper class and middle class too? If they can provide all of our requirements and our funding fees? Why not? Kung ayaw nating mapag halo-halo yung high, upper and middle, pwede naman nating pagbukod-bukudin pero same privileges pa din. All hard working people na gustong masecure ang future nila, ng pamilya nila or mga anak ay deserving para sa Polaris." Ma awtoridad na dagdag ni George. Napapatango naman ang mga board member maging kami sa ipinapakitang galing ni George sa pagsasalita at sa mga ideas. Para maisip niyang agad ito sa loob lang ng dalawang oras. "I heard some news that the Polaris Bank only cares about the money. Let's change that and prove them wrong. Isusuggest ko din na magkaroon tayo ng charity funds, na pwede naman nating gamiting pantulong sa mga lower class o dun sa mga mahihirap. Maging number one tayo pero wag mawawala ang pinaka importanteng goal at iyon ay ang makatulong sa kapwa. Let's show them that Polaris is not only for securing money but it also has a heart for people." Dagdag pa ni George at nagpalakpakan naman ang mga board members.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon