Jed's POVKasalukuyan kaming magkasama ni Zie sa iisang kwarto. Ito ang consequence ni Ria sa matatalong team. Pero dahil sobra ang pagkalasing ni Zie ay nakatulog lang din siya agad pagkahiga pa lang sa kama.
"Hindi na niya nasagot ang tanong ko." Saad ko sa sarili ko.
(Flashback)
Matapos namin mag tanghalian ay tinulungan ko si Zie na mag ligpit ng mga pinag kainan namin. Sa totoo lang ay ginusto ko talagang masolo siya para makausap.
"Thanks ah! Sa pagpunta at pagtulong na din sakin dito." Nakangiting sambit niya. At sinimulan ng sabunin ang mga plato.
"I'll make time. I will always find a way para mapuntahan ka." Seryosong saad ko at natigilan naman siya.
"Hahaha! Masyado ka namang seryoso dyan! Chill lang!" Tugon niya.
Sandali akong natahimik at ganoon din siya. Sa hindi ko malamang dahilan ay sobrang kaba talaga ang nararamdaman ko. Pero kung hindi ako maglalakas ng loob ngayon baka maubusan na ako ng pagkakataon. Ang dami ko nang pinalampas noon, ayoko ng maulit pa yon.
"Remember the time nung sinabi ko sayo na magiging seryoso na ko ngayon." Sambit ko.
"Ah oo, nung nasa hospital si George. What about that?" Tanong niya.
"Its about you." Tugon ko. Hinawakan ko ang parehong kamay niya para pagilan siya sa kanyang ginagawa. Dahan-dahan ko siyang hinarap sakin at saka tinitigan. "I like you Zie. College pa lang tayo. Pero dahil sobrang natotorpe ako hindi ko masabi-sabi sayo." Buong lakas ng loob kong saad sa kanya.
Napatungo ako sa matinding hiyang naramdaman. Hindi naman sa nagmamalaki pero good looking din naman ako. Hindi kami nagkakalayo ni Aaron pero tanggap ko namang mas good looking siya kesa sakin. Pero kahit na ganoon, torpe talaga ako. Highschool pa lang ako kung hindi pa babae mismo ang kikilos ay wala talaga akong magiging girlfriend. Dalawa pa lang ang nagiging girlfriend ko bago ko makilala si Zie. Hindi nga lang mga nagtagal kasi hindi ko naman talaga sila mga gusto. Ang mga babaeng gusto ko noon ay hindi ko nga makuha dahil torpe ako at hindi makalapit. Pero noong nakilala ko si Zie, naging kaibigan at marealize kong gusto ko siya. Gusto kong aminin sa kanya at hindi na ako nagka interest pa sa iba.
But still, it took me six years bago ko nagawang aminin sa kanya at ito nga yung araw na yon. Iniisip ko na kung liligawan ko siya noong college kami pero naisip kong wala akong maipagmamalaki pag pumunta ako sa mga magulang niya kaya naman naghintay akong makatapos kami pareho and then i worked hard to be a successful engineer. Marami na akong naipatayong buildings at kilala na rin ang pangalan ko sa larangan na ito.
Nakapag pundar na din ako ng sariling bahay at sasakyan. Tapos na ang pagpapaaral ko sa mga kapatid ko at malaki narin ang naiipon ko sa bangko. I have fulfilled my dreams at ang kulang na lang ay mapasakin ang rason ng mga pangarap na yon, at si Zie yon.
Tumingin ako sa kanya at nanatili siyang tahimik. Kaya naman unti-unti ay nakakaramdam na ako ng lungkot. Baka kahit wala pa siyang boyfriend ay ibang lalaki na siyang gusto?
"May iba ka na bang gusto?" Malungkot na tanong ko.
"Ha? W-Wala! W-Wala!" Tanggi niya at nabuhayan naman muli ako ng loob.
"Gusto kitang ligawan Zie. Matagal kong hinintay tong pagkakataon na to at ayoko ng palampasin pa. Sabihan mo lang ako kung kailan pwede, pupunta ako sa parents mo para magpaalam sa kanila ng personal." Diretsahang saad ko.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...