Chapter 77

134 9 16
                                    


George's POV

"No! Don't compare me with that stupid guy! I don't care about my pride or ego. All I care about is you!! Your feelings, your well-being, everything about you!" Pagka diinang tugon niya. "Kung pwede nga lang wag na akong umalis sa tabi mo, masiguro ko lang na lagi kang okay, na safe ka lagi, na para sa tuwing matatakot ka nasa tabi mo lang ako. Wala nang mas iimportante pa sakin kundi ikaw. Alam mo kung bakit?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya dahil alam ko na. Sasabihin na niya ang mga salitang gusto kong marinig sa kanya. "Kasi mahal na mahal kita! At lahat ng makakaya ko ginagawa ko para sayo. Wala akong hinihinging kahit anong kapalit. Mahal na kita noon pang mahal mo si Mark. Hindi ako naghangad ng higit sa pagiging kaibigan at kung sa kanya ka sasaya handa akong magparaya. Pero nalaman kong niloloko ka niya, kung meron isang taong sobrang nasasaktan pag nakikita kang nasasaktan, ako yon George! Ako yon! Ganon katindi yung pag mamahal na nararamdaman ko para sayo! Hindi ko hinihingi sayong mahalin mo ko dahil handa akong masaktan maging masaya ka lang. Pero sa lahat ng mga ginawa ko para sayo, gusto ko lang malaman kung hindi ko man lang ba napatunayan sayo kahit konti na iba ako sa mga lalaking nanakit sayo? Na hindi ako kagaya nila? Na hindi ko gagawin o ni isiping saktan ka? Hindi ko man lang ba napatunayan George?! Hindi man lang ba kahit konti?" At tumulo na ang luha sa kanyang mga mata. Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita ko siyang nasasaktan ng dahil sakin. Yumuko muli ako at hindi tumugon. "I guess your silence means yes. Then maybe, I am not good enough. So I don't deserve you." Walang emosyong saad niya at iniwan akong mag isa. Gusto ko siyang pigilan, gusto ko siyang sundan at yakapin. Gusto kong sabihing mahal ko siya at sobra niyang napatunayan saking iba siya. Pero may kung anong bagay ang pumipigil saking gawin yon.

Lumabas ako sa deck ng coffee shop na yon. Napatingin ako sa table namin. Naiwan pa ang order namin doon na hindi man lang nagalaw. At tila binabayo ang pakiramdam ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Na kung hindi ko nakita sila Mark dito. Ito siguro ang naging pinaka masayang gabi ng buhay ko. Dahil ito yung gabi na sasabihin na ng taong sobrang mahal ko ngayon na mahal niya ako. Ang tagal kong hinintay na sabihin niya yon! Pero bakit kailangang magkaganito?

Nasasaktan akong naglihim si Aaron sakin pero naiintindihan ko kung bakit niya nagawang itago sakin yon. Pero bakit ang sakit? I was holding back my feelings for him dahil concern ako sa feelings ni Mark. Naguguilty ako that time lalo na sa naging reaksyon niya noong birthday ko. So i felt responsible. Na I should talk to Mark first and tell him how I really feel. Ayokong mapunta sa ganoong sitwasyon na makakasakit ako pero talagang matindi na yung nararamdaman ko para kay Aaron at nag kukusa na ang actions ko without thinking of anything but myself. Na for once, I badly wanted to be selfish! I want Aaron! I want all of him! Pero kahit ganito ka strong yung feelings ko para sa kanya it's hard for me to move. I feel like I'm stuck. That I can't get out of this misery. Na parang sa tuwing gugustuhing kong maging selfish para sa sarili kong kaligayan, laging merong humahadlang. Laging may mangyayari para mapigilan yon.
Maybe, I was too full of myself! Thinking that someone like me could have a happy ending! My life is really a curse. And maybe, I should stop fighting it and just live with it!

"It's not me who doesn't deserve you Aaron. It's me, you didn't deserve. I will only cause you pain. And just like you said, i feel it too! Mas nasasaktan din ako pag nasasaktan ka lalo na kapag ako ang laging dahilan. I'm sorry!" Saad ko sa sarili ko habang nakatingin sa malayo.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pero hindi magawang tumulo ng mga luha sa mga mata. Tila naiga na ito at wala ng mailuha. Pero sa loob ko ay para akong pinapatay.

Naalala ko pa kung gaano ako kasaya ng makita ko ulit noon si Mark. Kung gaano ko inaasahang magiging okay ulit ang lahat para saming dalawa. Hindi ko akalaing maloloko lang pala ako ng ganon. Na kung di dumating si Aaron, napasagot niya pala ako at nasira ko ang buhay ng isang babaeng nagmamahal sa kanya. Ang sakit lang, na sana kahit concern man lang para sa nararamdaman ko ibinigay ni Mark. Pinalaya ko na siya pero bumalik pa din at muli akong pinaasa pero yun pala para saktan lang ulit. Pero oo nga pala, kasalanan ko kung bakit niya ako sinukuan. Dahil naging matigas ako at huli na para mag sisi don.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon