Chapter 22

128 22 15
                                    


George's POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway papunta sa elevator nang marinig ko ang galit na boses ni Sir Frank. Nag tago ako sa may di kalayuang pader ng makitang si Peter ang kausap nito.

"Ipatawag mo si Aaron at Georgina! Kailangan ko silang makausap! Kinakailangan ko ang paliwanag ng dalawang yon!" Galit na sigaw ni Sir Frank. "Sabihin mo ay maghihintay ako sa opisina at ayokong maghintay ng matagal sa kanilang dalawa. Naiintindihan mo?!"

"Opo sir!" Takot na tugon ni Peter. At saka dali-daling umalis at sinalubong ko naman ito agad.

"Puntahan mo si Sir Aaron. Uuna na ako sa opisina ni Sir Frank. Pasensya na Peter." Paumanhin ko.

"Ayos lang po Ma'am. Sana lang po magka ayos na kayo ni Sir Aaron." Tugon nito at saka nagmadaling umalis.

Pagka alis niya ay agad kong nilapitan si Sir Frank na kasalukuyang nag hihintay na bumaba ang elevator. Lakas loob ko siyang hinarap at saka kinausap.

"Sir." Paumunang sabi ko. "Pasensya na po." Agad na paumanhin ko.

Alam ko na ang ikinagagalit niya. Nasisiguro kong alam na niyang hindi kami nagkakasundo ni Aaron. Narinig ko ding bumaba ang rating ng department namin ng dahil sa kontrahan naming dalawa.

"Georgina. Ikaw ba ang unang magpapaliwanag?!" Inis na tugon niya.

Bago pa man ako sumagot ay bumukas na ang elevator. At saka kami sabay na sumakay.

"I'am not asking for apology. I'am asking for explanation. Hindi ako tumatanggap ng apology when there is no good reason behind it." Stirktong sabi nito.

"Wala pong kasalanan si Aaron. Ako po ang hindi nasunod sa mga sinasabi niya at ginagawa ko ang lahat para mainis siya sakin at gantihan niya ako." Kalmadong paliwanag ko.

"Bakit? May ginawa ba si Aaron na masama sayo? Tell me at ako ang bahala sa batang yon." Agad na tugon nito.

"Wala po." Tipid kong tugon. At saka huminga ng malalim. "Ako po ang may nagawa at may nasabing hindi maganda. Pero wala po akong lakas ng loon na mag sorry sa kanya." Dagdag ko at saglit na tumahimik. "Hindi po ako nag sosorry sa kahit kanino kahit pa may mali ako and never pa po akong naguilty kahit ganon. Pero naiparamdama sakin ni Aaron na hindi tama yon. At kinokontra ko ngayon ng husto ang sarili ko. Hindi ko matanggap na ang isang lalakeng gaya niya ay kayang baguhin ang mga patakaran ko sa buhay." Pagpapatuloy ko at saka biglang bumukas ang pinto ng elevator.

"Gusto kong marinig ang lahat ng yan. Doon mo ituloy yan sa opisina." Malumanay na tugon nito.

Sabay kaming naglakad papunta sa opisina niya. At saka niya ako pinaupo sa upuang nasa harap ng kanyang mesa.

"So kaya mo ginagawa yan, bilang depensa mo sa pagbabagong nangyayari sayo?" Tanong nito ng makaupo siya sa kanyang swivel chair.

"Hindi ko pa po naiintindihan sa ngayon. Pero gusto ko lang pong linawin na walang kasalanan si Aaron dito." Pag uulit ko.

"Anoman ang problema mo sa kanya at problema niya sayo ay hindi dapat maapektuhan ang trabaho. Kaya, pareho ko pa din kayong paparusahan." Sagot niya at wala na akong nagawa kundi tumungo na lang.

Maya-maya lang ay may kumatok na sa pinto ng opisina ni Sir Frank.

"Pasok!" Inis na sigaw nito. At saka bumukas ang pinto at lumabas don si Aaron.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko man lang magawang tumingin sa kanya. Nakakaramdam ako ng kaba at lalong tumindi yon ng maupo siya sa harap ko. Nakadagdag pa sa tensyon ko ang pakiramdam na nakatingin siya sakin.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon