Haidie's POV
Monday ng umaga habang nasa kanya-kanya kaming table sa opisina ay naglalayag ang isip ko at hindi makapag focus sa trabaho.
"Huy!" Bulalas ni Ria na sobrang ikinagulat ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa kaba at muntikan pang mahulog sa swivel chair na inuupuan ko.
Napayuko ako sa table ko and pause to catch my breath. "Wag ka namang basta-basta mang gulat!" Saad ko sa kanya pero natawa pa siya. Tsk! Ayos lang ang mood ko ngayon, nasampal ko siguro to!
Sinamaan ko siya ng tingin dahil patuloy siya sa impit niyang pagtawa. "Hahaha! Eto na, titigil na!" Sambit niya and tried to compose himself. "Kasi naman, nakatingin ka nga dyan sa computer sa harap mo pero para namang wala ang isip mo dyan! Ayos ka lang ba?" Tanong pa niya.
I rolled my eyes away from him at tumingin muli sa computer. "May mga gumugulo lang sa isip ko. Pero okay lang ako." Tugon ko. Tinigilan naman niya ako matapos non. Sinubukan kong mag focus sa mga ginagawa pero talagang ayaw mag function ng utak ko.
Lunch break na. Mukang hindi papasok ngayon si Aaron at George. Kamusta kaya sila?
"Girl, tara? Lunch?" Anyaya ni Ria. Tumayo ako sa upuan ko at sumama sa kanya papunta sa canteen.
Narating namin ang canteen at naupo sa isang bakanteng table doon. Wala pa din ako sa sarili ko at tulala lang sa kawalan.
"Okay girl! Spit it!" Bulalas ni Ria taka naman akong napatingin sa kanya.
My eyes wondering "ha?"
He rolled his eyes. Trying to be patient with me. "I know there's something wrong and I want you to tell me what it is?" Saad niya. Napabuntong hininga ako. Pinipilit kong wag ipahalata at dahil sa ayoko na ding pag usapan pa.
Bumuntong hininga muli ako at walang ganang binanggit sa kanya ang problema ko, "Bumabalik yung ex ko,"
His eyes widen with disbelief. "Aling ex? Yung kinukwento mo saking umabanduna sayo?" Tanong ni Ria at tumango naman ako.
"Ayoko na sanang pag usapan kaya lang mukang hindi ko maitagong apektado talaga ako." Walang ganang tugon ko at napayuko na lang sa mesa.
"Paanong nangyari? Ikwento mo ng buo sakin!" Saad ni Ria.
"Kahapon kasi ng umaga, pinuntahan niya ako sa apartment." panimula ko.
( Flashback )
"Omg!! Haidie!!! Haidie!!!" Sigaw na tawag sakin ni Lexie, isa sa kasama ko sa apartment. Sa gulat ko naman ay agad akong napalabas ng cr. "May naghahanap sayo!" Dagdag niya mukang hindi makapaniwala.
"Sino ba yon? At ganyan na lang ang reaksyon mo!" Tanong ko agad habang nagpupunas ng mukha. Naghilamos ako at nag toothbrush dahil kakagising ko lang.
"Yung tall, dark and handsome mong ex! Nandyan!!!" Bulalas ni Lexie.
My eyes go wider than never before. "What?!!" Hindi makapaniwalang bulalas ko.
"Nagulat din talaga ako! Pagbukas ko pa lang ng pinto, tinakbo na agad kita dito. Hindi ko na nga siya nasabihang pumasok muna." Aniya. Hindi ako nakatugon sa sobrang pagkabigla. "Girl, compose yourself! Ayusin natin yang buhok mo, yang damit mo. Ibaba natin to para mas mukang sexy." Saad niya. Inayos ang buhok kong gulo-gulo pa. Ibinaba ang kaliwang manggas ng malaking tshirt ko para tumambad ang aking balikat at ibinuhol niya sa gilid ang laylayan para hindi magmukhang malaki. "Wait! Namumutla ka! Lagyan kita ng very light lang na lipstick." Padalas niya akong hinila sa kwarto niya at kinuha ang kanyang pink na lipstick sa bag at inapply sa labi ko. Kumuha pa siya ng blush on at nilagyan din ako sa pisngi.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...