Chapter 29

137 7 10
                                    

Amanda's POV

'bukod sa pagiging matalino, hindi ko akalaing mabuti din pala ang kalooban mo.

Nasabi ko na lang sa isip ko habang pinapanood ko si Georgina na gamutin ang sugat ni Arianne. Mahilig nga lang talaga siyang sumagot pero may sense naman ang mga sinasabi niya. Nakakatawang kahit na gusto ko siyang ipahiya kanina sa pakikipag kwentuhan niya kay Asuncion, eh ako pa ang mas napahiya dahil halos nadaig niya pa ako.

Natuwa ako dahil ganong klase ng mga tao ang gustong gusto kong tinuturuan. Dati kasi akong professor sa isang University. At gustong gusto ko ang mga batang kayang makipag sabayan ng galing sakin.

"Sige na Arianne, pumunta ka na muna doon sa bench. Maupo ka na muna at manood." Utos ko rito.
"Ang sunod na game ay sack race. Boys! Paki set up ng mga kailangan." Utos ko naman sa mga lalakeng inassign ko sa mga gagamitin sa activities.

Kinuha nila ang dalawang monoblock at inilagay sa medyo may kalayuang bahagi ng buhanginan. Ito ang mag sisilbing ikutan nila pabalik sa kanilang pinang galingan at ipasa sa kasunod na team mate ang sako at ang unang team na matatapos ang siyang mananalo. Magiging challenging ito sa kanila dahil hindi patag ang buhanginan kaya mahihirapan silang mag balance, need talaga dito ay team work. At mas pina challenging ko pa ito lalo, ng ipasadya kong dalawang malaking sako ang ipinahanda ko.

"Dalawang tao sa isang sako! Ang mechanics, simple lang. Ang maunang matapos na team, yun ang panalo!" Paliwanag ko.
"Maghanda na yung unang dalawa na mag uumpisa ng race." Dagdag ko.

"Tara! Ria! Tayo na mauna." Sabi ni Georgina.

"Nope bakla! Ayaw! Dito ko sasabay sa boys." Umaarteng pang tugon ni Asuncion. "Kayo na ni Sir A ang magsabay, tutal kayo naman ang leader dito." Udyok pa nito.

"Ha?" Gulat na tugon ni Aaron.

Nagkatinginan naman sila ni Georgina. Bahagyang pang namula ang mukha ni Aaron sa tinginan nilang iyon.

'mukang tinamaan na ni Kupido si Aaron!

"T-Tara!" Naiilang pang anyaya ni Aaron na di makatingin ng ayos kay Georgina. "Basta, wag mo ko dadaganan. Mukhang mabigat ka pa naman." Pang aasar pa nito, tumingin ng diretso kay Georgina at nginitian ito.

"Sira ka! Payat kong to, mabigat?! Tsk!" Inis na tugon ni Georgina at saka hinawakan ang sako. "Ano pang tinatayo mo dyan? Tara!" Anyaya niya kay Aaron.

Nakangisi namang lumapit si Aaron sa kanya. At lalo namang nag salubong ang kilay ni Georgina.

"Ikaw ah! Gusto mo talaga akong makasama lagi. Hehehe! Iisipin ko na bang type mo ko? Hahaha!" Malakas na pang aasar pa ni Aaron.

"Gusto mong samain ka sakin ngayon?! Kalalakeng tao, ang ingay! Ang lakas ng boses!" Bulalas ni Georgina.

Pinag titinginan na sila halos ng lahat. Ang iba ay natatawa sa kanila at ang iba naman lalo na't babae ay hindi maipinta ang mga mukha. Ako naman, ay natutuwang panoorin silang dalawa.

"Ready na ba ang bawat team?" Sigaw ko nang makitang naka pwesto na silang lahat.
"Okay! One, two, three.... go!"

Nagsimula silang mag patalon-talon na parang kangaroo ang mga team mates naman nila ay sige sa pag cheer. Nangunguna na agad sila Aaron at Georgina na talaga namang sabay na sabay sa bawat pagtalon. Nakikinig sila sa suhestiyon ng isa't isa at talagang kitang kita ang team work. Nauna silang nakarating sa team-mates nila habang ang kalaban nilang team ay nasa ikutan pa lang.

"Ang pinaka huling iikot ay yung unang dalawang nag umpisa! Saka sila ang kukuha ng flag na hawak ko at idedeclare na panalo!" Sigaw ko.

Dikit na halos ang laban. Kokonti lang ang agwat ng team nila Aaron sa team na kalaban nila. At nang matapos lahat ng team mates nila ay ipinasa na ulit sa unang dalawang nag umpisa. Nauna ng naka sakay sa sako sila Georgina at Aaron at pasakay pa lang ang sa kalabang team. Ngunit habang nasa kalagitnaan sila Aaron ay na out of balance sila sa sobrang pag mamadali dahil nga dikit ang laban.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon