Ria's POVPagkagaling namin sa condo ni Sis ay hinatid na kami ni Zie sa work. Pagka paalamanan sa isa't isa ay umalis na din si Zie agad at kami naman ni Haidie ay pumasok na sa company. Pero bago pumunta sa department namin ay nagpasama muna ako kay Haidie sa office ni Sir Frank.
Bukas ang pinto ng kanyang opisina pag dating namin doon. Kumatok padin naman muna ako bago pumasok.
"Come in." Sambit ni Sir nang makita kami.
"Sir Frank, pinabibigay po ni Ma'am George itong leave form." Agad na sabi ko.
"Ngayon na pala agad ang alis nila. Hay.. may ipapagawa pa man din sana ako. Anyways, salamat!" Tugon ni sir.
"Sige po sir. Babalik na po kami sa department namin." Paalam ko naman.
"Asuncion, sandali!" Tawag sakin ni Sir bago pa man kami makalabas. Agad naman akong lumapit. "Alam mo ba kung anong naging problema nila George at Aaron?" Tanong nito. Nag aalala.
"Misunderstanding lang po sir. Wala po ako sa posisyon na ikuwento ang tungkol doon." Tugon ko naman.
"It's okay. I understand. Kung anoman yon, sana ay maayos pa nila." Saad niya. Maging si sir ay apektado sa sitwasyon ng dalawa. Bakit kaya?
Habang nag lalakad kami papunta sa department namin ay pinag usapan namin ni Haidie ang tungkol kila George at Aaron.
"Anong sasabihin natin kay Aaron?" Tanong ni Haidie.
"Sasabihin nating nag leave si Sis George." Tipid kong tugon. Sa isip ko ay buo ko na kung anong mga plano ko.
"Yun lang? Hindi natin sasabihin ang mga kinuwento ni George satin?" Tanong pang muli ni Haidie.
"Hindi." Tipid kong tugon. "Gusto kong malaman kung hanggang saan ba talaga ang kaya nilang gawin para sa isa't isa. Kung sa ganyang kasimpleng problema may susuko ba talagang isa sa kanila. Ipaglaban nilang dalawa ang isa't isa kung talagang nagmamahalan sila. Wala man tayong gawin o meron kung talagang totoong mahal nila ang isa't isa hindi nila hahayaang hindi sila ang magkatuluyan." Paliwanag ko. Ang totoo ay naiinis ako. Pareho na lang silang hindi na kinibo ang isa't isa ng dahil lang sa simpleng hindi pagkakaintindihan. Ni isa sa kanila hindi nag effort para makausap ang isa. At ngayong nandyan ang mahaderang "Ex" nagkaroon ng mas matinding balakid sa pagmamahalan nila. Kung sa simpleng eksenang di pagkakaintindihan ganyan na sila, ano pa kaya ngayong may kontrabida na!
'josko ang author nito! Ang galing tumaming! Naiimbyerna na ako!!
( Naninisi ka ba? Gusto mong mabura sa buong storya?! )
'ikaw naman miss A! Hindi ka naman mabiro! Umeetchos lang nemern eke!
( Baklang to! Ituloy mo na nga yang POV mo! Bibigyan na sana kita ng lovelife.. wala na! Nagbago na isip ko! Mag dusa kang SINGLE FOREVER!! )
'OMG!!! PLEASE MASTER! MY CREATOR! PROMISE I'LL BE GOOD!
( MAG POV KA NA!!!!!!!! )
'YES MA'AM! Gwapong gwapo partner para sakin author ah!! Yiiiieeee!! Kinikilig na ko agad!
'Pasensya na po sa commercial readers. Eto na icocontinue ko na po ang POV ko. Wag na kayong mahighblood. Ang mga puso niyo!
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...