AUTHOR'S NOTE :WARNING! MATURED CONTENT!
WARNING! MATURED CONTENT!
WARNING! MATURED CONTENT!
Aaron's POV
Kasalukuyan kaming nanonood ng fireworks display na pinahanda ni Jed pagka-sagot ni Zie ng Yes. Inaasar-asar ko pa siya noong una dahil ang sabi ko ay wala siyang romantic side pero ginulat niya ako dahil ang lahat ng naganap dito ngayon ay planado na niya at tumulong lang kami sa pag aayos.
Matapos ng fireworks display ay ipinalagay na ni George sa mga crew ang isang mahabang lamesa sa gitna para doon kami magkainan at mag salo-salo.
Nang mailagay na ang lamesa at mga upuan ay sunod ng inihatid ang mga masasarap na pagkaing ipinaluto ni George sa mga kilala at sikat pang chef na pinag service samin dito ni Tita Cindy at Tito Nick. Kaya naman, makita lang ang itsura ng mga pagkain ay nakakapag laway na.
Tumayo ako, kinuha ang champagne glass at tinaas iyon, "Let's have a toast for the soon to be, Mr. and Mrs. Smith!" Masayang anunsyo ko at nagsi-tayuan din naman sila at pinag dikit-dikit ang kanilang mga champagne glass. Pagka toast ay nagsi-upuan na muli ang lahat at ako na lang ang nanatiling nakatayo.
"Thank you sa inyong lahat! Sa lahat ng nag effort at nag abala na maging maganda 'to, sobrang salamat!" Masayang pasasalamat ni Zie. "But I really thought na, sa announcement mo to Aaron!" Sambit niya sakin.
"Last month pa plano ni Jed 'to, actually, kami lang dalawa ang nakakaalam, na postpone lang kasi nagkaroon ng mga problema but atleast, success pa din naman!" Paliwanag ko naman. Dito ko na talaga sinuggest kay Jed na mag propose dahil maganda talaga itong resort na 'to pero dahil nga, nagkaroon kami ng mga problema ni George ay ngayon na lang natuloy.
"Eh ano na yung announcement mo?" Tanong pa ni Zie na may panunukso.
Uminom ako ng champagne, "Bago yon, gusto kong sabihin na isa rin itong handaang ito para sa despedida ng isa pang kaibigan na sobrang napamahal na din sakin." Saad ko, "Ria, sobrang dami mong nadalang saya sa nabuong pagkakaibigan nating anim. At sobrang nakakalungkot na aalis ka na, pero alam kong magiging masaya ka sa bagong journey na tatahakin mo kasama ng taong pinaka gusto mong makasama and uhm.. I know there will be more opportunities waiting for you so just keep on moving forward and always remember that we will be here for you always." Mahabang saad ko habang nakatingin kay Ria. "And to you Kiel, please take good care of our Ria for us. Kasi pag hindi, nakikita mo yang si Zie, hindi yan papayag na hindi ka niya magugulpi pag nasaktan si Ria." Banta ko at agad namang nagsama ng tingin si Zie kay Kiel at saka tumawa. "Pero alam naman naming iingatan mo siya, pag naingayan ka..." Dagdag ko pa at tumingin kay George para ipag patuloy niya ang sasabihin ko,
"Busalan mo ng towel ang bibig," maangas na pag dugsong ni George at natawa naman kaming lahat.
"Grabe ka sis!!! Panira ka ng moment! Naiiyak na ako eh," bulalas ni Ria. "Omg!! Mamimiss ko kayo! Sobrang salamat sa friendship!"
"Salamat lang?!" Kontra ni Zie, "Pag uwi mo, tig-iisang malaking box kami ng chocolate! Pag wala kang dala, butt kick ka sakin pabalik ng America!" Dagdag pa ni Zie.
"Ay josko! Nakakaloka! Mag bestfriend nga kayo! Don't worry, malaki pa sa inyo ang chocolate na iuuwi ko sa inyo! Mag kanda sira sana mga ngipin niyo mga etchuserang 'to!" Bulalas na tugon ni Ria. "Naku, goodluck sa inyo Sir A, Papa Jd!" Dagdag niya pa at nagtawanan kaming lalo.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...