George's POVInis akong naglakad papalabas ng building na yon. Sa bawat araw na lumilipas ay lalong tumitindi ang pagka bwiset ko sa kanya.
'Ang lakas ng loob ng gung-gong na yon para lumapit sakin ng ganon! Sira ulong yon!
Muli kong naalala ang nakakasusot niyang mukha. Ang bwiset na mga mata niya at ang mga nakakalokong ngiti niya.
'pasalamat ka at ayokong mawalan ng trabaho! Kaya titiisin ko ang mga pinapagawa mo at mga pang titrip mo. Pero pag ako lang talaga napuno! Sisiguraduhin kong masasapak ko yang mukha mo! At pag nangyari yon, ewan ko na lang kung maipag malaki mo pa yan!
Salubong ang kilay kong naglakad papunta sa parking lot. At bago pa man ako makasakay sa kotse ko ay hindi ko namalayang sinundan pala ako nila Carmina at Haidie.
"Ma'am, hindi ba talaga kayo sasama samin sa pagpunta sa resto?" Tanong ni Haidie.
"Oo nga Ma'am! Wag niyo na lang pong pansinin si Sir Aaron. Sayang naman po ang chance na maka bonding namin kayo." Dagdag pa ni Carmina.
"Hindi naman to tungkol sa boss niyo. Babawi na lang ako next time. Masama kasi ang pakiramdam ko. Sobrang sakit ng ulo ko dahil siguro sa pagod at kakulangan sa tulog." Matamlay na sabi ko. At hinawakan naman akong agad ni Haidie sa noo.
"Ma'am, mainit po kayo! Tingin ko po ay may lagnat kayo! Kaya niyo po bang mag drive at umuwi mag isa?" Nag aalalang tanong nito.
"Ma'am! Pwede po namin kayong samahan. Baka po mahirapan kayo kung mag isa lang po kayo sa condo." Nag aalala ding suhestyon ni Carmina.
"Ayos lang ako. Kaya ko na. Salamat sa concern. Mag tetext na lang ako ah!" Yun lang at sumakay na ko sa kotse at inistart yon agad. "Mag enjoy lang kayo don! Deserve niyo yon. Next time na lang ako sasama." Sabi ko at saka tuluyang umalis.
Ang sama ng pakiramdam ko ay unti-unti akong nilulugmok habang nag ddrive ako. Sinampal-sampal at kinurot-kurot ko ang sarili ko para hindi ako makatulog. Hanggang sa wakas ay makarating ako sa condo. Nanghihina na akong naglakad papasok sa building matapos kong maipark ang sasakyan. Halos hindi na ako makatayo ng maayos ng makasakay ako sa elevator. At nang marating ko ang room ko ay basta ko na lang ibinagsak ang sarili ko sa kama.
'hindi ko na kaya! Wala na kong lakas na maligo, magbihis at kumain.
Kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang makatulog. Sobrang tindi ng sakit ng ulo ko at tumitibok iyon sa sakit. Mainit ang katawan ko pero sobrang tindi ang panlalamig na nararamdaman ko.
Maya-maya lang ay bigla na lang tumunog ang phone ko. Kahit hirap ay pinilit kong bumangon at kunin ang phone ko sa study table na malapit sa kama ko.
"Hello?" Sagot ko sa phone na hindi na tiningnan kung sino ang natawag.
"Hello, Georgina? Kamusta sa trabaho mo?" Si Dad.
"Ayos naman ho. May mga bago akong natutunan." Matamlay na sagot ko. Nang hihina na ako at pati sa pag sasalita ay nahihirapan ako.
"Ayos ka lang ba? Parang ang tamlay ng boses mo."
"Ganito lang talaga ako. Sige na dad. Gusto ko ng matulog. Bye!" Yun lang at ibinaba ko na.
Habang nalipas ang oras ay lalo akong nakakaramdam ng panlalamig. Bihira akong magkasakit pero pag ako nagkasakit ay talagang matindi.
Bigla kong naalala ang mga huling beses na magkasakit ako. Naalala ko ang mga hirap na pinag daanan ko ng mag isa at kung paanong hindi ako namatay ng mga oras na yon ay hindi ko alam. Salubong ang kilay kong nakapikit lang habang parang bangungot kong naaalala ang lahat ng pinag daanan kong yon. Maya-maya lang ay bigla na lang may malambot na kamay na humawak sa aking noo.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...