Chapter 7

201 55 62
                                    


George's POV

Mabilis lumipas ang araw ng martes, miyerkules, huwebes at biyernes. Halos sa mga araw na lumipas na yon ay lagi kaming magkatext. Sa gabi naman ay lagi kaming mag kausap sa phone. Kung dati, lagi ko maagang natutulog dahil sa pag uusap namin hindi ko na namamalayan ang oras at kung minsan ay hating gabi na ko nakakatulog.

Masaya ako. Ngayon ko na lang ata ulit naranasang masabi to at maramdaman. Totoong masaya ako. Wala man siyang direktang sinasabi ay ipinaparamdam niya sakin ulit ang pinaramdam niya sakin noong college kami. Pero nawawala ang saya ko sa tuwing maiisip ko ang negatibong pakiramdam ko na yon sa kanya. Natigilan lang ako sa pag iisip ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ma'am George, may bisita po kayo sa baba." Sabi ng isa sa mga kasambahay namin pagka bukas niya ng pinto.

"Sige po. Pakisabi po, pababa nadin ako." Tugon ko at tumango naman siya at lumabas na.

Nagmadali naman akong nag ayos at saka bumaba. Nakita ko siyang masayang kakwentuhan sila Dad at Tita Cindy sa sala. Makita ko pa lang siya ay kakaiba na ang sayang nararamdaman ko. Pagka lapit ko naman ay tumayo agad siya.

"Ang tagal ko ba? Sorry ah." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hindi naman. So, paano? Tara na?" Nakangiti niyang tanong at nakangiti din naman akong tumango sa kanya. "Sige po. Tito, tita. Aalis na po muna kami." Paalam niya kila dad at tita Cindy.

'at talagang tito at tita na ah! Hehehe.

"Sige iho. Basta iingatan mo yang si George. At wag masyado papalate ng uwi." Nakangiting sagot ni Dad.

"Malaki na ko dad. Kayo kong ingatan ang sarili ko. Sige ho, aalis na muna kami." Pagsali ko naman sa pag uusap nila. Pagkasabi ko non, ay nagpa umuna na ko sa paglakad papalabas at sumunod naman agad sakin si Mark.

Nang makasakay kami sa kotse ay siya na ang nagkabit ng seat-belt ko. Nakakakilig yon! Dahil talaga namang nakatitig siya sakin at ang gustong gusto ko ang pabango niya. Matapos niya ko kabitan ng seat-belt ay siya naman saka inistart ang kotse niya at umalis na.

"Saan ba ang punta natin ngayon?" Tanong ko.

"Sa E.K" Nakangiting sagot niya. "Nakapunta ka na ba don?"

"Hindi pa. Sa tv ko lang nakikita yon eh."

"Hehehe. Buti na lang pala. Excited na ko lalo. Isasakay kita sa matitinding rides don hanggang sa mahilo ka. Hahaha"

"Hindi ako mahiluhin. Baka ikaw ang mahilo." Pagyayabang ko.

"Hinahamon mo ba ko?" Nakangising tanong niya.

"Kung ganon ang tingin mo eh. Baka nga! Hahaha!"

"Sige tinatanggap ko ang hamon mo at kung sinong matatalo satin. Gagawin lahat ng gusto ng mananalo."

"Deal!" Mabilis na sagot ko.

Nang makarating kami sa E.K ay inuna na agad naming sinakyan ang pinaka matitinding rides don. Space shuttle, anchor's away, ekstreme tower, jungle log jam, flying fiesta at rio grande rapids. At after ng lahat ng yon, maya-maya lang ay naupo na siya.

"Ayoko na! Suko na ko! Nahihilo na ko!" Sabi niya habang hawak ang ulo niya at halos mahiga na sa bench na inuupuan niya.

"Hahaha! Oh? Eh paano ba yan? Ako na panalo." Mayabang na sabi ko.

"Oo na! Grabe ang tibay mo! Para kang hindi babae!"

"Hahaha. Sinabi ko naman sayo hindi ako mahiluhin."

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon