Chapter 63

159 6 27
                                    


Aaron's POV

Matapos isayaw ni Jed si George ay sumunod na si Mark. Bahagya pa akong nagulat dahil ang ineexpect ko ay ako na ang kasunod at si Mark ang huli.

"Pinapili siya kanina kung sino ang last dance. At ikaw ang napili niya." Nakangisi pang sambit ni Jed ng makalapit ito sakin.

"Sino namang nagsabi sayo?" Inisip kong nagbibiro lamang siya at pinag titripan lang ako.

"Tinanong ko si George kung sinong last dance. Ang sagot niya, ikaw ang pinili niyang maging last dance." Dagdag niya pa at binigyan ako ng lalong mapanuksong tingin. "Ang alam ko, kasing espesyal ng first dance ang last dance." At nagtuloy siya sa panunukso. Nagsipanukso din naman sila Zie.

Sa loob ko, syempre natutuwa ako. Inexpect ko na ngang si Mark ang huling magsasayaw sa kanya at ayos lang sakin yon. Napatingin ako kay George at Mark na kasalukuyang nag sasayaw pero hindi ko gusto ang nakikita kong galaw nila. Inobserbahan ko ang kilos nila at kitang kita ko pa kung paanong basta na lang kinabig ni Mark si George palapit sa kanya.

Nakatalikod si Mark samin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Si George na nakaharap sa lahat ay pinipilit ikubli ang totoong nagaganap pero hindi hinding ako basta malilinlang. Alam kong hindi na niya gusto ang ginagawa ni Mark. Napatayo ako sa upuan ng bigla ko na lang makitang hinigpitan niya ng husto ang pagkakahawak sa kamay ni George.

"Pre, bakit?" Gulat na tanong ni Jed.

"Bakit bigla ka na lang tumayo dyan?! Di ka pa naman tinatawag." Si Zie.

Pero hindi ako tumugon. Mainit at masama kong tiningnan ang pagsasayaw nila. Tumingin si George sa gawi ko at doon ko nakita ang itsura niyang nababahala. Gusto ko nang lumapit pero ayokong gumawa ng eksena dahil sa nakikita ko ay ayaw ni George na masira ang party na ito kaya tinitiis niya. Umalis ako sa table namin at bahagyang lumapit sa dance floor pero malayo pa din kung saan lang ako allowed na tumayo para maghintay.

Pero bago matapos ang sayaw ay kitang kita ko kung paanong tinitigan ng masama ni George si Mark at may sinabi pa ito na hindi ko alam kung ano pero ito ang siyang nakapag palayo kay Mark. Pagkatapos ng sayaw nila ay ako na ang tinawag ng emcee na si Juvy. Hindi na ako nagpatagal at agad na sinalubong si Mark.

"Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo!" Mariing sambit ko nang magkatapat kaming dalawa. "Walang kahit sinong lalaki ang pwedeng manakit sa babaeng sobra kong pinag iingatan!" Gigil na dagdag ko. Sinamaan ko siya ng tingin at agad din namang lumayo sa kanya.

"George? Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Agad na tanong ko nang malapitan ko siya. At saka niya ibinaling ang tingin sakin.

"Ayos lang ako." Naitugon niya lang. Pero nakita ko ang pagkabahala. Ano man ang napagtalunan nila hindi na ako magtataka kung ako ang dahilan non.

"Nakita ko lahat ng ginawa niya. Hindi ko yon kayang palampasin!" Puno ng galit na sabi ko.

Iniabot ko sa kanya ang dala kong rosas, hinawakan ang kamay niya at bewang. Pero pakiramdam ko ay ilag siya. Ni parang ayaw niyang magpahawak. Mas lalo naman iyong nakapag dagdag ng matinding galit na nararamdaman ko.

'Hayup ka Mark! Matapos lang to, sinasabi ko sayo! Manghihiram ka ng mukha sa tae ng aso!!

"Kung ayaw mo na ituloy to, sabihin mo lang. Ihahatid na kita sa upuan mo." Sambit ko. Nanatiling salubong ang kilay ko at sa malayo nakatingin habang kinakausap siya. Ang isip ko'y nagpaplano na kung paano ko tuturuan ng leksyon ang walang kwentang lalaking yon.

Hiindi siya tumugon kaya naman itinuloy ko lang siyang isayaw. Ikinagulat ko na lang na mas lumapit siya sakin at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Nakatungo siya kaya naman hindi ko malaman kung umiiyak ba siya.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon