Chapter 58

128 10 7
                                    

Ria's POV

"Ako na bahalang mag hatid kay Ria sa kanila. Mag pahatid ka na kay Jed." Sambit ni George kay Zie.

"Sure ka ba?" Tanong ni Zie.

"Oo! Magpahinga ka na at mas kailangan mo yan. Sa susunod, wag na iinom ng madami ha?!" Tugon ni George.

"Opo!" Si Zie.

"Aaron, Ellaine ihahatid ko muna si Zie. Mauna na kayo sakin mag byahe na lang ako pauwi." Saad naman ni Jed.

"Okay pre! Ingat kayo!" Si Sir A.

"Salamat George ah! Mag ingat kayo ni Ria sa byahe." Dagdag pa ni Jed.

"Bye! Sis Zie! Ingatan mo siya papa J ah!" Tugon ko naman kay Jed at tumango naman siya at ngumiti.

"Ingat kayo!" Si George.

"Pa'no Chi? Uuwi na din muna kami ah. Hindi ko na kayo masasamahan ni Ria, kita na lang tayo sa office bukas." Sambit ni Sir A.

"Okay lang. Need na din ni Ellaine mag pahinga at ikaw din. Ingat kayo ah! Salamat sa lahat ng tulong mo!" Tugon ni Geor ge kay Sir A. "Ellaine, bonding ulit tayo next time ah!" Baling nito kay Ellaine at niyakap ito.

"Opo ate. Punta po kayo minsan sa bahay namin. Sama po kayo kay kuya." Tugon naman ni Ellaine.

"Sige. Basta ba iimbitahan ako ng kuya mo eh!" Tugon ni George at kinindatan si Ellaine.

"Kuya! Invite mo si ate sa bahay!" Utos ni Ellaine.

"Kailan mo ba gusto? Anytime pwede kang sumama sakin don." Excited na tugon ni Sir A.

"Sige. Iset natin ng ayos yan. Okay ba sayo yon Ellaine?" Saad pa ni George.

"Okay na okay po! Excited na po ako!" Masayang tugon ni Ellaine.

"Ingat kayo pag uwi!" Si George.

"Ingat kayo Sir A! Pretty Ellaine!" Dagdag ko.

"Thank you po sa pag aayos sakin ate Ria!" Malambing na tugon ni Ellaine.

"Naku! Ang cute talaga nitong batang to eh! Hehehe! Nakakatuwa din ate tawag mo sakin. Nakaka flattered." Umaarte pang tugon ko.

Matapos nilang mag paalam ay umalis na din sila. Ang kaninang masayang condo ngayon ay sobrang tahimik na. Bigla kong naisip na si sis George lang dito lagi magisa. Nakakabingi ang katahimikan pag mag isa ka lang sa ganito kalaking condo. Maganda pero ang lungkot.

"Sis George, hindi ka ba nalulungkot pag mag isa ka lang dito?" Tanong ko habang nag aayos siya ng kwarto.

"Hindi naman. Sanay akong mag isa. Pero sa tingin ko, mamimiss ko yung ingay niyo dito." Nakangiting tugon niya. "Nakapag ayos ka na ba ng mga gamit mo? Aalis na tayo." Dagdag niya.

"Oo sis. Naka ready na." Tugon ko.

Pinanood ko siyang mag ayos ng kama. Habang tinititigan ko siya, pakiramdam ko ay ang lalim ng pagkatao niya. Ang strong personality niya, pakiramdam ko pang tago niya lang yon sa totoong siya. Sigurado ako, malungkot siya. Madaming sakit na gusto malimutan. Hanggang sa nakasanayan na lang din niya.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon