Aaron's POV"I think she likes him too," sambit ni Zaira. Nasayaw kami pero kay George at Zack kami nakatingin.
Hawak ni George ang magkabilang pisngi ni Zack at seryoso silang nag tititigan habang mag kausap. Nakaamin na siguro siya.
Aaminin kong nakakaramdam pa rin ako ng selos. Lalo na't pakiramdam ko kahit pa'no ay meron. Merong konting nararamdaman sa para kanya si George.
"Pero wala kang dapat ikaselos dahil malayong-malayo yon sa pagmamahal para sayo ni Ate George.. She likes him because she care for him at dahil lang 'yon sa naging malalim na pagkakaibigan nila." Sabi pa ni Zaira.
"Sa tingin mo, ganon nga?" Tanong ko.
"Oo. Don't get confused." Tugon niya. "Ibang iba ang way ng pagtingin ni Ate George sayo kung icocompare.. I know, dahil observer ako." Nakangiting sabi niya.
"Thank you Zaira," usal ko at ngumiti naman din siya. "Eh how about you and Zack?" Tanong ko at kita ko naman kung paanong nagbago ang ekspresyon niya sa pagkabigla sa tanong.
"W-What do you mean?" Nauutal na tanong niya.
Napatawa ako, "Nabalitaan ko kasi na para kayong aso't pusa sa office,"
"Sino nagsabi nyan?" Tila nahihiya niyang tanong.
"Si Tito," natatawa kong tugon.
"Aaaiisshh! Nakakahiya! Nakakainis kasi yang kapreng yan, nuknukan ng yabang at walang modong kausap, kaya ayun.. laging may world war II sa office ni Sir. Galit ba siya?"
"Hindi, nalilibang nga daw siyang panoorin kayong dalawa." Oo, iyon ang totoo, natutuwa si Titong panoorin sila. Ang sabi niya ay pag nagpatuloy na ganoon sila ay baka daw di maglaon ay sila rin ang magkagustuhan..
"Psh!" Singhal niya. "Kung naiirita siyang makita ako don sa office, ayaw naman niyang umalis! Nakaupo lang don parang prinsipe panay pang utos sakin, hindi naman siya ang boss ko!" Inis na sabi niya pa.
"Ano na namang nginunguso mo dyan bubwit?!" Mula sa gilid ay hindi namin halos namalayan ang pag lapit ni George at Zack. "Anong isinusumbong mo sa pinsan ko?" Dagdag na tanong pa nito.
"Wala kang pakealam, kapre!" Bulyaw ni Zaira.
"Ha!" Singhal ni Zack.
"Ha! Ha! Ha! Baliw! Pagkaka-confess mo, lalapit ka rito't bubugnutin ako.."
"Manahimik ka nga! Wala talagang tigil yang bibig mo, tatahiin ko na yan eh!"
"Oh? Talaga ba? Ginagawa yan hindi binabanta!"
"Tch! May araw ka rin sakin bubwit!"
"Bukas mo na isipin yan, gabi ngayon kaya wala pang araw.." pang iinis pa ni Zaira at iniwan na kami at lumapit kila Tito Nick.
"Ah.. Aaron, George.. doon na muna ako," paalam ni Zack at lumapit na kila Zie.
"Bagay sila," sambit ni George. "Parang ganyan lang din tayo noong una, puro bangayan..." Natatawang sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...