AUTHOR'S NOTE :
WARNING: MATURED CONTENT! SPG/R-18!
WARNING: MATURED CONTENT! SPG/R-18!
_______________________________________
George's POV
Sunday morning......
Ngayon na ang araw nang uwi namin. Kahit sasaglit na panahon ay nagkabonding kami at kahapon ay iginala kami ni lolo sa mga tourist spot ng Bicol. Napakaganda talaga at nakadagdag pa sa saya ko na kasama ko si Aaron na mapuntahan ang mga ito. Nakakapagod man ang gala ay sobra akong nag enjoy.
Kasalukuyan pa din akong nakahiga sa kama, nakatitig sa kisame ng kwartong iyon at naglalayag ang isip. Pagod pa din ang katawan ko kaya naman ayoko pang bumangon.
Muling pumasok sa isip ko ang mga nangyari noong gabi ng friday. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay hindi ko makalimutan ang mga iyon at tila nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon.
Kung sa nakaraan ko ay puro takot, sakit, pag iyak at salitang tama na ang naisasambit ko, kung noon ay puro pighati at pagtutol ang nararamdaman ko sa buo kong katawan, kung dati ay ang pangiginig na dulot ng matinding takot ang aking nararamdaman nang dahil sa marahas kong nakaraan, ngunit ang kay Aaron ngayon, ay iba ang naidudulot sa akin. Wala iyong pagtutol. Walang takot. Nararamdaman ko sa bawat halik niya ang pagmamahal at ang kanyang respeto na nagdudulot sakin ng kakaibang sarap. Na sa kaibuturan ng puso ko'y gusto ko 'yon at ayoko na siyang tumigil pa. Parang kinikiliti ang buo kong katawan, ang sensasyong nararamdaman ko sa bawat pag hinga niya sa aking katawan ay binabaliw ako. Nang mahawakan niya ang hinaharap ko at halikan iyon ay lalo pang nagbigay sakin ng pagka sabik. Napapaiktad ang aking katawan, napapahigpit ako ng kapit sa sarap na aking nararamdaman. At pati na rin sa ibaba ko ay nag hihintay na marating ng kanyang kamay. Pero hindi lang iyon don, dahil sa bawat halik at haplos ng kanyang kamay ay nabubura ang mga panget na alaala sa aking isipan.
Isa pang hindi mawala sa isip ko ay ang gwapo at namumulang mukha at tenga ni Aaron. Ang mapungay at nakaka-akit niyang mga titig. Ang namumula niyang labi dahil palagi niya iyong kinakagat lalo na nang makita niya ang itaas na bahagi ng aking katawan.
"Waaaaaahhh!! Nakakahiya!!" Sigaw ko habang nakapatong ang unan sa aking mukha.
Ngunit hindi ko maiwasang mapangiti. Mas lalo akong kinikilig sa tuwing maiisip ko siya. At nasasabik tuwing maaalala ko ang ganda ng katawan niya. Ang abs niya, ang makinis at maputi niyang katawan. At mga malalagkit niyang titig sakin.
"Tsk! Kalalaking tao, ang sexy! Nakakainis!! Pa'nong di ako maattract?! Boses pa nga lang niya, nakaka akit na!" Bulalas ko at ginulo ng ginulo ang buhok ko.
Pumikit akong muli at hindi akalaing muli akong makakatulog.
"George," tawag sakin.
Inaantok pa ako kaya halos hindi ko pa maimulat ang mga mata ko, "Hm?" Tugon ko. At naramdaman ko pang lumubog ang parteng gilid ng kamang hinihigaan ko, may naupo roon.
"Kakain na ng almusal, pagkakain ay uuwi na raw tayo." Saad nito at ang boses na yon ay si Aaron.
Agad akong napabalikwas ng bangon, nakita ko siyang nakaupo sa kama ko at takang nakatingin sakin. Nangainit naman agad ang aking mukha sa sobrang kaba at hiya. "Waaahh! Wag mo kong tingnan!" Sigaw ko at agad na nag talukbong ng kumot. Kanina lang ay halos pag pantasyahan ko siya sa isip ko, nakakahiya!
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
DragosteIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...