George's POV"Empleyado ka lang din dito at hindi mo din trabahong husgahan ako. Sorry ah, kung masyado akong naging makulit. Alam mo sa totoo lang, kahit ganyan ang ugali mo gusto kitang maging kaibigan. Gusto kitang mas makilala. Ugali lang yan, tatanggapin ko naman kung ganyan ka talaga. Pero hindi ko ata kinaya ang mga sinabi mo sakin ngayon lang." Saglit siyang tumigil at bumuntong hininga at saka tumunghay at tumingin sakin. "Hindi mo din naman ako kilala para sabihin ang lahat ng yan sakin. Kung na offend ka dahil sinabi kong maarte ka, sorry. That's not my intention. Pero hindi kita hinusgahan ng iba pa bukod don, hindi kagaya ng pang huhusgang ginawa mo sakin ngayon." Natigilan siyang muli sa pag sasalita at saka malumanay akong tiningnan. Wala ng inis na makikita sa mga mata niya.
'paano niyang nagagawa yan?
"Oo, madaming babaeng nagkakagusto sakin. Pero hindi ako chickboy, at lalong hindi ako playboy. Nakaka dalawang girlfriend pa nga lang ako. Hindi ko to sinasabi para ipagmalaki ang sarili ko, sinasabi ko to para iparating sayong mali ka sa iniisip mo sakin. Nasayo na yon, kung maniniwala ka o hindi. Ang sakin lang, kung ayaw mong nahuhusgahan ka, wag ka din sanang basta manghusga ng iba. Dahil kung hindi kita kilala hindi mo din naman ako kilala. Kahit pa gaano katalino ang isang tao hindi lahat ng iniisip nito ay tama." Malumanay na sabi niya."Pwede ka nang lumabas. Hayaan mo at hindi ko na muling hihingin pa ang tulong mo." Sabi niya at kahit hindi ko malaman ang irereact ko ay parang nagkusa na lang ang katawan kong maglakad papalabas.
Dumiretso ako sa comfort room at muling nag kulong sa cubicle. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi mawala sa isip ko ang malungkot niyang mata at boses. Dinudurog non ang kunsensya ko at sa kauna-unahang pagkakataon ay may taong nakapag paramdam sakin na maguilty sa mga sinabi ko.
Masama talaga akong mag salita. Lalo na pag may mga tao akong ayokong maging bahagi ng buhay ko. Nag sasalita ako ng masama para mailayo sila sakin. I felt how sincere he was! Sa saglit na pagkakakilala namin, naiparamdam niya sakin ang isa sa mga bagay na gusto kong maramdaman. Appreciation! Sinabi niya sakin ang isang bagay na gusto ko sa ugali ng iba, yung kaya akong tanggapin kahit ganito ang ugali ko. Pero lalake siya! And that's to good to be true! Gaya ng pag gawa ng bilo-bilo. Binibilog-bilog niya lang ang ulo ko at hindi ako papauto!
Pero nung mawala yung saya at kinang sa mga mata niya at mapalitan ng lungkot. Nung mawala yung nakakaasar na kulit sa boses niya nung mga oras na yon gusto ko nang bawiin ang mga sinabi ko. Sa mga huling salitang binitawan niya ay parang binatukan ako para matauhan sa mga maling sinabi ko. Nakayuko akong pinakiramdaman ang sarili ko at nakaramdam ako ng lungkot. Maya-maya lang ay may mga tumutulo ng luha sa braso ko. Gulat akong pinahid ang mga iyon. Lumabas ako sa cubicle at agad nag hilamos saka bumalik sa table ko.
Ginawa kong abala ang sarili ko sa pag ttype ng report kay Sir Frank. Pero kahit abala ay hindi mawala sa isip ko ang mga naging sagutan namin ni Sir Aaron. Hindi na siya muling lumabas simula non. Dumaan ang lunch, meryenda at ang oras ng uwian pero nandon pa din siya sa opisina. Gustuhin ko man siyang puntahan pero hindi ko magagawa yon dahil parang sinira ko na din ang mga naging patakaran ko sa sarili ko.
Mula sa parking area ay wala ako sa mood na nag drive. Dumaan muna ako sa isang malapit na mall para bumili ng isang dozen ng J.Co donuts. Hindi naman ako mahilig sa donuts pero nag crave na lang ako bigla. Matapos ko bumili ay bigla na lang akong napatingin sa may Starbucks na nasa tapat lang ng J.Co. Napatitig akong maigi sa isang table na nandoon.
Hindi gaanong kalayuan yon, sapat na para maaninag ng maayos ang mga nasa loob. At tama ako! Hindi ako pwedeng magkamali! Siya nga yon, nakita ko siya ulit! Si Mark, kasama si Ashley na masaya at sweet na nagkukwentuhan sa starbucks. Hindi ko malaman kung bakit sandali ko pa silang pinanood bago ko tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...