KATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA PAGAWAAN NG BALOT NA PAG-AARI NG KANYANG KUYA RUPERTO AT NG KANYANG MATAPOBRENG HIPAG NA SI LILING NA NANG MAULILA NA SA MAGULANG NILA AY TINARATONG IBANG TAO. TUNAY NA MAPAGBIRO ANG TADHANA, MALAUNAN SI ERNIE NA MULA SA PAGKABATA PA LAMANG NA NAKARANAS NG DI-MAKATAONG PAGTRATO NG SARILING DUGO AY YUMAMAN AT NAKAPAG-SUPPLY NG BALOT SA LUZON, VISAYAS AT MINDANAO. BUMAGSAK NAMAN ANG NEGOSYO NINA RUPERTO AT LILING. SA KANYANG BUHAY-PAG-IBIG, NANG MALAPIT NG IKASAL SI ERNIE KAY INE NA KANYANG INILIGTAS SA BINGIT NG KAMATAYAN DAHIL SA ISANG "CAR ACCIDENT" SA PAMAMAGITAN NG PAGSASALIN NG SARILI NIYANG DUGO, TUKSO NAMANG DUMATING SA BUHAY NIYA SI ALTHEA NANG SAGIPIN NAMAN NITO ANG BUHAY NI ERNIE SA PAGKALUNOD NANG ABUTAN SIYA NG BIGLANG PAGTAAS NG TUBIG SA HAGONOY SA KASAGSAGAN NG BAGYONG SI EGAY. NANG PATULUYIN AT PATULUGIN NI ALTHEA SA KANILANG BAHAY NA BATO SA HAGONOY, NANG MAGDILIRYO SI ERNIE NA SINASAMBIT ANG PANGALAN NI INE AT NANG PUNASAN NI ALTHEA NG MALAMIG NA TUBIG SI ERNIE PARA HUMUPA ANG LAGNAT NI ERNIE, HINATAK ITO NI ERNIE AT PINAGHAHALIKAN SA PAG-AAKALANG SI INE SI ALTHEA HANGGANG MAGANAP ANG SEKSWAL NA PAGNINIIG NG DALAWA. SA ILANG LINGGONG PAG-AALAGA NI ALTHEA KAY ERNIE, UNTI-UNTI NANG NAHULOG ANG KALOOBAN NI ERNIE. MATUTULOY PA KAYA ANG KASALANG ERNIE AT INE?
150 parts