Chapter 113

179 4 4
                                        

SAM'S POV

Apat na araw..

Hindi ako lumabas ng ng room namin, sa tatlong araw na 'yon ay ikinulong ko ang sarili ko. Mahirap humarap sa mga tao nang hindi ka maayos. Ayaw kong piliting ngumiti at sabihing maayos ako, ayaw ko nang magsinungaling pa sa sarili ko. Akala ko ay nagiging mabuti ako, pero nung narinig ko siyang magpaliwanag noong gabi na nagkita kami, para akong ibinalik sa una. Pamilyar na sakit, pamilyar na bigat, pamilyar na kirot.

Walang nagbago sa mga 'yon.

Hindi ako pa rin pala ako makausad...

Napalingon ako sa pinto nang makarinig ako ng mga katok mula doon, saka iyon binuksan nila Andy at Zia. Nakangiti nila akong nilapitan. Hindi ko sila naabutang nag-ayos at lumabas kanina, binilin ko kaseng huwag na akong istorbohin dahil hindi ko planong lumabas o magsaya, kaya ganoon nalang ang gulat ko nang makitang naka beach attire sila. Mukhang may kasiyahang naganap kanina, mukha rin silang nakainom ngunit hindi naman gaano.

"After 2 days daw ay uuwi na tayo, success ang plano nila sa outing na 'to," nakangiting balita ni Zia, "Pakiramdam ko nga ayaw ko nang umuwi, mas masaya ako dito."

Bahagya akong napangiti, hindi na bago sa akin na marinig iyon kay Zia, parati ay hindi niya gusto ang umuwi sa kanila, naiintindihan ko siya.

"Baka naman gustuhin mo nang lumabas bukas?" paawa pang anyaya ni Zia.

Hindi ako umimik, nilingon ko si Andy na naupo rin sa kabilang gilid ko. Dahil sa mga dinadamdam ko ay nakakaligtaan kong may mga kaibigan ako.

"Maglakad-lakad tayo bukas? Sulitin natin ang 2 days," suhestiyon ni Andy, "2 days ko nalang masosolo ang engineering students, pumayag ka na, Samara," pagmamakaawa niya.

Tumango ako, "Bukas."

Agad naman silang natuwa at sabay akong niyakap. Mas mabuti na nga rin siguro na pilitin kong maging maayos, mahirap, pero mas mabuti. Kagaya ng sinabi ko, ako nalang ang nagpapahirap sa sarili ko. Hindi masama ang makaramdam ng bigat at lungkot sa tuwing naaalala mo lahat, normal iyon, hindi mo naman ganoon kabilis na makakalimutan ang lahat. Pero ang katotohanang kinakaya mong waglitin ang ano mang ala-ala maging maayos ka lang, ay sapat na para mapatunayan mo sa sarili mo na umuusad ka. Mahirap ang umusad nang marami kang dinadala, mahirap humakbang kapag may pinapasan kang mabigat.

Lumipas ang gabing iyon nang halos hindi ako nakatulog ng maayos. Kinaumagahan ay lumabas na ako kagaya ng napag-usapan. Hindi maipinta ang saya nila Zia nang makita akong papalapit sa kanila sa dalampasigan. Marami ang naka beach attire, karamihan ay nagtatampisaw sa dagat, habang ang iba naman ay naglalaro ng volley ball sa hindi kakayuan.

Masaya ang tanawin, Sam. Huwag mong sirain.

"Samaraaa!" dinig ko ang boses ni Kalia mula sa hindi kalayuan.

Tahimik akong natawa habang pinapanuod si Renz na hindi magkanda-ugaga sa kakaabot sa braso ni Kalia na ngayon ay lakad-takbong nagmamadali palapit sa akin. Agad ko naman siyang niyakap nang tuluyan siyang makalapit, habang si Renz ay nakaalalay pa rin sa kaniya.

"You're so pretty in that dress!" natutuwa niyang papuri.

Nakasuot ako ng beige na halter dress, white beach slippers, at ang mga accessories na parati ko namang suot. Kadalasan ay itinatali ko ang buhok ko, ngunit tinamad na ako kaya hinayaan ko nalang itong nakalugay. Sila Andy at Zia naman ay naglalakad na rin palapit sa amin, dala ang iba't-ibang shells sa mga kamay nila.

"Kalia, hi!" bati nila kay Kalia, "Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"

"Yes! I feel great na, I still feel a little sick pero hindi na kagaya noong mga nakaraan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OH MY GHOST [ONGOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon