~Yashiri's POV~
“Let me go! Ano ba!” sabi ko habang nagpupumiglas ako mula sa yakap nung lalaki. At dahil sa pagpupumiglas ko, natamaan ko yung mukha nung lalaki at napahiga ito sa sahig. Napaharap naman ako sa kanya at nakita kong nasaktan talaga siya.
“Ouch!” sapo ng lalaki yung mukha niya na natamaan ng siko ko at dumudugo pa yung ilong niya.
Gustong gusto ko ng sungitan yung lalaki pero bigla akong natigilan. Napatulala kasi ako sa kagwapuhan nung lalaki. Mukha siyang nasa twenties na. Nakasalamin siya at may tripod at camera na nasa sahig malapit sa kanya. Photographer ata siya eh? Ang puti niya saka medyo clean cut yung buhok niya. May hikaw pa siyang itim sa kaliwang tainga.
Wow, rakista ba to?
“O-Okay ka lang ba? I’m sorry. Ikaw naman kasi…” natatarantang sabi ko.
“I’m not okay. Nabasag mo na ata ilong ko sa lakas ng pagkakasiko mo eh! Grabe miss, tao ka ba?”
“Ha?” Nagtatakang sabi ko. Hindi kasi ako makapagfocus sa mga sinabi nung lalaki. Kahit kasi nasaktan na siya, gwapo pa rin siya.
“Sabi ko tao ka ba? Ang lakas mo kasi. A-aray..” sabi niya. Dumudugo pa rin yung ilong niya. Anong gagawin ko? Teka, may sinabi pala siya kanina. Huwag daw ako magpapakamatay?
Ano daw?
Bigla akong napatingin sa paligid ko. Wala na yung mga tao na kaninang umaaligid dito sa Lighthouse. Wala na rin yung mga media. Kaming dalawa lang ng lalaking 'to ang nandito. Muli akong napalingon sa lalaki at bigla akong nakaramdam ng awa dahil sa dumudugong ilong nito.
Kinapa ko yung bulsa ng short ko at nakapa ko yung panyo ko. Tamang tama. Inabot ko yung panyo sa lalaki. Kaso, importante sakin itong panyo na ito eh. Kung ipapahiram ko ito sa lalaking ‘to, madudumihan pa ng dugo yung panyo ko. Ewww…pero bahala na.
“Thanks. May puso ka rin pala.” Sabi niya habang nakatingin sa akin. Matapos nun ay sa panyo ko naman siya tumingin at may nakita siya dito.
“Ishi?” nakita niya yung burda ng lola ko sa purple kong panyo. “Is this your name?”
“Bakit mo tinatanong ha?” pagtataray ko.
“Wala lang… Kakaiba kasi pangalan mo. Saka uso pa pala yang burda thing sa panyo ngayon? Haha...anyway can I really use this? Magkakamantsa ‘to. You sure about this?”
“Oo sige gamitin mo na. As if I have a choice. Ayaw tumigil ng dugo o…” sabi ko. Nag-aalala kasi ako baka makasuhan pa ko nito.
“Alright then. Thanks for this.” pinunasan na niya yung dumudugong ilong niya. Habang ako naman medyo dumistansya na sa lalaki. Aba, kahit gwapo siya baka may balak siyang masama sa akin. Ang ganda ko pa naman! Saka hindi pwedeng may mangyaring masama sa akin no! Hindi pa natitikman ni Toya yung alindog ko!
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.