A/N: Hello! Yes, Yoichiro Okuda is the current Crown Prince at kamag-anak siya nina Fujiko. You know the connection? Kung nabasa mo ang novel na to simula sa umpisa at kung focus ka sa bawat detalye, mako-connect niyo yan hehe. Ngayon na nagbalik na si Toya, sino na ang nararapat para kay Ishi? Si Toya, Hiro o si Yoichiro?
Picture of Yoichiro, Hiroshi and Toya sa gilid. Who will be the best man for Ishi?
***
~Kenji’s POV~
“Tama naman siguro yung text sakin ni Miyuki..ngayon na yung dating ni Hello Kitty dito sa Shibuya. Bakit ang tagal niya??” sabi ko. Nakakailang yosi na ko at inip na inip na. Bakit ba kasi ako nandito??
Kanina pa ko nakatayo sa harap ng Shibuya station. Katabi ko na nga yung statue ni Hachiko. Yung true to life story ni Hachiko na naging movie ang kauna-unahang pelikula na nagpaiyak sakin. Grabe! Tulo talaga sipon ko habang nanonood nun. Pinagtatawanan pa nga ako nina Maki at Hiro nun. Mga pakshet talaga yung mga yun.
Si Hachiko kasi ay isang Akita dog na inampon ng isang matandang lalaki. Yung lalaking yun ay isang teacher noon. Super naging close yung mag-amo at kahit saan, sumusunod lang si Hachi sa amo niya. Kahit sa harap ng train station sa Shibuya, walang sawang naghihintay si Hachi para salubungin yung amo niya tapos sabay silang uuwi. Kaso isang araw, namatay yung teacher dahil sa sakit, tapos hindi yun alam ng asong si Hachi. Hinintay pa rin niya sa harap ng Shibuya station yung amo niya..sa loob ng ilang araw. At kahit na umulan man o magsnow, hindi natitinag si Hachi. Hanggang dun na rin namantay yung aso. Huhu grabe nakakaiyak!
“Now, I know how does it feel to wait..this looong, Hachi..” sabi ko sa estatwa ng asong si Hachiko. Hay..bakit ba ko nandito? Bakit ba ko nagtext kagabi kay Miyuki kung kumusta na si Fujiko at kung kailan siya uuwi. Tae!
“Tsss..mukha na kong gago dito. Makauwi na nga lang..” Tumayo ako at tinapon ko yung yosi ko sa basurahan. Nagsimula na kong maglakad palayo sa train station ng bigla akong makakita ng mga babaeng tumatawa.
“Ang weird nung babaeng yun..magsuot daw ba ng ganung kalaking shades..” sabi nung dalagita.
“At take note, hello kitty pa talaga. Ang weird..haha..” sabi nung kasama niya.
Napahinto ako sa paglalakad. Iisang tao lang ang kilala kong wirdo.
“F-Fujiko?” sabi ko habang naka-kunot ang noo.
Automatic akong napalingon at nakita ko nga si Fujiko. May dala itong malaking bag at nakahoody siya. Suot na naman niya yung Hello Kitty shades niya. Kainis.
Parang nagulat naman siya nung nakita niya ko sa harap niya. Ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa. Nakapamulsa ako at nakatingin sa kanya.
“Kenny? What are you doing here??” sabi niya sabay tanggal ng shades niyang nakakainis. Nakita ko na rin sa wakas yung maganda niyang mukha.
“Ha?” Napalingon ako sa paligid ko. “Ah..ano..napadaan lang ako. May pinuntahan kasi ako..diyan sa malapit.. Ikaw anong ginagawa mo..uh.. dito??” sabi ko.
Takte! Bakit ako nauutal?? Umayos ka nga Kenji!
“Napadaan ka lang o talagang hinihintay mo ko??” sabi niya habang nakangiti sakin.
Namula naman yung mukha ko. “Ano ka hilo? Bakit..bakit naman kita hihintayin dito??”
Lalo siyang lumapit sakin at lalong lumapad yung ngiti niya.

BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.