Legend 60: "Eyes On Me"

1.4K 18 30
                                    

Picture of Priestess Yuki sa gilid. :)

***

~Yashiri's POV~

"Lola!!!" sinalubong ko ng yakap ang Lola Yumi ko. Nakarating din kami sa bahay at sobrang pagod na pagod kami.

"We're back, lola.." sabi naman ni Hiroshi sa lola Kyoko niya. "How are you feeling?"

"I'm fine, Hiro. Tumawag si Maki dito last time at hinahanap ka. Niyayaya niya kayo ni Ishi manood ng live TV performance ng Limelight next week. Sabi ko sasabihin ko nalang sa inyo pagbalik niyo. Hindi ka raw niya macontact eh.."

"Really? Hmm sige I'll give her a call mamaya.."

"Wow, live TV performance? Nakakaexcite naman yun!" sabi ko.

"Welcome back, mga apo. Nasaan si Fujiko?" sabi ni Lola Kyoko.

"Nagpaiwan po siya sa Fukui, Lola. Grabe, pagod na pagod kami.." sabi ko.

"Halina kayo sa loob. Tamang tama at handa na yung hapunan.." sabi naman ni Lola Yumi.

Pumasok kaming lahat sa loob ng bahay. Grabe, namiss ko ang masyon ng lola ko!

"Sige na, pumanhik na muna kayo sa mga kwarto niyo at magpalit na muna kayo ng damit."

"Opo, Lola." sabi ko.

Dumiretso na sa kusina ang mga lola namin. Naunang umakyat si Kenji sa kwarto niya. Sumunod naman kami ni Hiro. Hinatid muna niya ko sa kwarto ko dahil sa mga gamit ko. Nagnakaw pa siya ng halik bago siya pumunta sa sarili niyang kwarto. Ang pilyo talaga. Haha.

Matapos ang 30 minutes ay ipinatawag na kami nina Lola Yumi at Kyoko para kumain ng hapunan. Nagulat rin ako na bumalik na si Ayame.

"Ang tagal mo ding nawala, Ayame. Kailan ka pa dumating?" tanong ko habang kumakain kami. Nagsisilbi kasi si Ayame samin.

"Kahapon lang po, Miss Yashiri. Nagkasakit po kasi si Lola Yura kaya natagalan ang pag-uwi ko.."

"Ganun ba? Hayaan mo, dadalawin namin siya kapag may time. Di ba, Hiro?"

"Yeah, that's for sure. Saka, marami rin akong tanong sa lola mo, Ayame.." sabi ni Hiro.

"Ah..gaya naman po ng ano, Sir Hiroshi?"

"Basta..hehe basta marami.."

"Okay po. Kain po kayong mabuti..dun lang po ako sa kusina.."

Habang masigla kaming kumakain, tahimik lang si Kenji.

"Bespren, bakit ang tahimik mo?" sabi ni Hiroshi kay Kenji.

"Oo nga hijo, may sakit ka ba?" sabi ni Lola Yumi.

"Ho? Ah..wala ho. Napagod lang po ako sa biyahe. Itutulog ko nalang po siguro to..salamat po sa pagkain.." Tumayo si Kenji at nagsimula nang umakyat sa itaas ng bahay.

"Grabe, ang onti lang ng nakain ni Kenji.." sabi ko habang nakatingin sa plato ni Kenji.

"Huwag niyang sabihing miss na niya agad si Fujiko?" sabi ni Hiroshi.

"Naku kayo talagang dalawa. Huwag niyo ngang intrigahin sina Kenji at Fujiko.." saway ni Lola Kyoko samin.

"Haha..naku lola Kyoko kung alam mo lang.." sabi ko.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon