Picture ni Ojiro sa gilid :) Gwapooooo.. ^^v
***
~Hiroshi’s POV~
“Go ahead, Hiroshi. Kunin mo yung espada..” sabi ni Fujiko.
Dahan dahan akong lumapit sa espada ni Ojiro. Unti-unti kong inilapit ang nanginginig kong kamay dito. At nang sa wakas ay mahawahan ko na ito, biglang lumamig ang paligid. At sa tingin ko ay huminto ang oras.
Tinitigan kong mabuti ang espada. Ito ang ginagamit ni Ojiro noon para ipagtanggol si Shouko. Ang legendary samurai na si Ojiro.
“Alam ko magkikita tayong muli. Pero hindi ko alam kung saan at kailan. At kapag dumating na yung panahon na yun, yayakapin kita nang mahigpit at hindi na kita pakakawalan pa..”
Naririnig ko na ang boses ni Ojiro. Ito ba yung mga katagang sinabi niya kay Shouko noon? Totoo ba mga naririnig ko? Hindi ako makapaniwala!
“Parang awa mo na. Huwag, Ojiro! Huwag!!!”
“Hindi ka na dapat mabuhay pa…mamamatay ka!”
Napahigpit ako ng hawak sa espada dahil sa narinig ko. Si Shouko? Nagmamakaawa kay Ojiro? Pero bakit? Bakit siya papatayin ni Ojiro???
“Huwaaaag!!!”
Pumikit ako dahil biglang sumakit ang ulo ko. Imahe na naman ng isang priestess ang nakita ko. Nasa loob daw ito ng templo at nagdadasal. May kasamang lalaki na nakahiga sa sahig. Tila patay na ito. Lalapitan ko na sana yung babaeng nasa harap ng apoy sa templo nang bigla siyang lumingon sakin. Wala siyang mukha.
“Isa kang impostor. Ang lalaking ito ang totoong Ojiro..”
Napatingin ako sa sahig at nakita ko si Ojiro na walang malay. Ngunit mukha ko ang nakikita ko sa kanya. Isa ba kong impostor?
“Isa kang impostor. Impostor!!!”
Impostor.
Impostor lang ako?
Hindi ako si Ojiro?
Naihulog ko yung espada at hinawakan ko nang mahigpit yung ulo ko. Sobrang sakit kasi. Parang binibiyak.
“Ahhh..” sabi ko habang mahigpit kong hawak yung ulo ko.
“Hiro!” narinig kong sabi ni Ishi. Hinawakan niya ko sa balikat. “What’s happening?”
“Kenji, pakibuhat naman si Hiro. Hindi ko alam kung anong nangyari. Dapat natin siyang ilabas sa templong ito. Ibabalik ko lang tong espada..” sabi ni Fujiko. Parang nagpapanic na silang tatlo.
Naramdaman kong inakay ako nina Kenji at Ishi palabas sa templo at inihiga sa ilalim ng isang puno. Sobrang sakit ng ulo ko at nanghina akong bigla.
“Hiro..” Hinaplos ni Ishi yung noo ko. “Sobrang sakit ba ng ulo mo? Anong nangyayari sa’yo?”
Huminga ako ng malalim. Hindi ako makapagsalita. Sobra akong nanghihina.
“Hiro!”
Nakita ko ang mukha ni Ishi. Sobra siyang nag-aalala sakin. Maya maya pa'y kadiliman nalang ang nakita ko.
***
~Yashiri’s POV~
“How is he?” tanong ko kay Ate Fujiko. Naihatid na namin si Hiro sa loob ng bahay at ipinasok siya sa loob ng isang kwarto. May isang doctor na tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.