Legend 39: "Too Late"

1.5K 21 23
                                    

~Yashiri’s POV~

            Nagising akong wala na sa tabi ko si Hiro. Siguro bumalik na siya sa kwarto niya kaninang madaling araw. Ang sarap lang matulog na katabi ko siya. Yun kasi ang ikalawang beses na natulog kami ng magkatabi. Pero ito yung unang beses nung boyfriend ko na siya. Ayiee kilig to the bones na naman ako. HAHA. :)

            Bumangon akong may ngiti sa mga labi. Halos mapunit na nga bibig ko sa lapad ng ngiti ko. Binuksan ko yung bintana ng kwarto ko.

            “Good morning universe!” Sigaw ko. “Good morning mga plants! Good morning mga ibon! Good morning sea! Good morning sky! HAHAHA..” para lang akong adik haha.

            “Huy, ang aga aga ang ingay mo.”

            Napatingin ako sa baba at nakita ko si Kenji na umiinom ng kape at nakaupo sa duyan.

            “Kenji? Ang aga mo naman?” sigaw ko kay Kenji.

            “Tss. Kaninang madaling araw pa ko nandito. Sinundo ako ng syo—“

         “Okay na Kenji! HAHAHA..hindi mo na kailangan sabihin kung sino sumundo sa’yo, gets ko na HAHAHA..” Agad kong sinara ulit yung bintana. Muntik na kaming mabuking dun ah. Tsk, alam ko ang sasabihin niya eh “Tss. Kaninang madaling araw pa ko nandito. Sinundo ako ng SYOTA MO

            So, maaga pala umalis si Hiro kanina para sunduin si Kenji? Anong oras kaya namin susunduin si Fujiko-san?

***

            “Kain ka na, Ishi..” Yaya sakin ni Lola Kyoko. Kakababa ko lang mula sa kwarto ko at kakatapos ko lang maligo.

            “Opo, si Lola po?”

            “Ayun, nagdidilig ng mga halaman sa garden..”

          “Bakit po siya gumagawa nun at hindi yung mga katulong?” umupo na ko. Late na ko nagising kaya ako nalang ang kakain ng agahan.

            “Alam mo naman na pagdating sa mga halaman eh si Ayame lang ang maaasahan ng Lola mo..”

            “Bakit ho? Nasaan po si Ayame?”

            “Nagpaalam na uuwi daw muna sa kanila sa Kyoto. May mahalaga lang daw siyang gagawin..”

            “Talaga ho? Bakit naman biglaan ho ata?”

            “Yun nga eh. Parang nagmamadali din siya.. Sige kumain ka na, tapos na kami nina Hiro at Ken. Sumunod ka nalang sa kanila sa duyan after mong kumain. Balita ko eh may susunduin kayo sa bayan?”

            “Ah, opo Lola Kyoko. Ipinaalam ko na po kay Lola yun kagabi na dito muna titira pansamantala sina Kenji at Fujiko. Para po sa investigation namin sa project nina Hiro.”

            “Oo nabanggit nga sakin ni Hiro yan kanina. Yung painter daw na yun ang makakatulong sa inyo tama?”

            “Opo.”

            “O siya, kain ka na at lalamig yung pagkain. Maiwan na kita at tutulungan ko si Yumi sa garden.”

            “Salamat po sa pagkain.. itadakimasu!” At nagsimula na kong kumain.  Habang kumakain ako, iniisip ko kung ano ang nangyari kay Ayame at biglaan ang pag-alis niya papuntang Kyoto. May nangyari bang masama kina Ayu at Lola Yura?

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon