Legend 51: "Summer Is Not Yet Over"

1.4K 24 9
                                    

A/N: Picture ng anime form nina Hiro at Ishi sa gilid. Kanina ko lang yan ginawa habang malakas ang ulan. Haha walang magawa eh. :) Medyo may kahabaan ang UD na to kaya enjoy haha ^^v

***

~Fujiko’s POV~

 

“Ganun ang naging epekto sa kanya ng paghawak sa espada?” tanong sa akin ni Auntie Mei. Nandito kami sa harap ng templo kung saan nasa loob nito ang lahat ng bagay na tungkol kina Empress Shouko at Ojiro.

“Nagulat nalang kami na ganun ang nangyari kay Hiroshi. Nung una ay mukhang okay naman siya. Pero bigla nalang sumakit yung ulo niya. Hindi ko maipaliwanag..” sabi ko.

Huminga nang malalim si Auntie Mei. “Pinag-iisipan ko tuloy kung ano ang sasabihin ng elder natin. Nararapat bang malaman din ni Hiroshi ang totoo kung hindi pa naman tayo sigurado kung siya nga si reincarnated Ojiro..”

“Yan din iniisip ko, Auntie. Pero aminin mo, magkamukha talaga sila..”

“Oo sobra, hija. Pinagbiyak na bunga. Pareho sila ni Yahiri na parang pinagbiyak na bunga ni Empress Shouko. Saan mo pala sila nahanap?”

“Sa Chiba. Sa isang lumang library doon. Pinatira din ako ni Yashiri sa mansyon nila.”

“Kung ganun, nakilala mo sila na magkasama na silang muli?”

Tumango ako. “Nagkakilala raw sila..kung saan unang nagkita sina Shouko at Ojiro..sa burol na yun. Sa Inubosaki Lighthouse..”

Nagulat naman ang itsura ni Auntie Mei. “Kung ganun tama nga ang alamat..sa lugar ding yun sila muling magkikita..pero paano kung nagkataong dun lang sila unang nagkita..paano kung may susunod pang makikilala si Yashiri sa lugar na iyon..at ang lalaking yun ang talagang si Ojiro?”

Bigla akong napaisip dun. Hindi kaya hindi pa talaga nagkikita sina Yashiri at ang totoong Ojiro kung sakali?

“Isang bagay lang ang alam ko, Auntie. Nagising na si Ojiro. At nandito lang siya sa panahon natin..”

“Pero paano si Hiroshi?”

“Kailangan siguro, makasiguro muna tayo kung sino ba talaga siya. Mahirap na..”

“Tama. Mahirap talaga kung makakalabas ang pinaka-iingatan nating lihim..”

“Ang sabi sa amin nung hypnotherapist nila..malamang nagkataon lang na kamukha lang ni Hiroshi si Ojiro. Dalawang bagay lang yun, Auntie. Kung siya ba talaga si Ojiro o..”

“..O kung kabilang siya sa atin..” dinugtungan ni Auntie yung nais kong sabhin.

“Tama..kung siya ay isa satin..”

***

~Kenji’s POV~

Kumusta na kaya si Hiro? Psh. Pesteng Fujiko. Sa akin daw ba paalagaan mga pamangkin niya. Buti nalang cute tong mga bata na to, kundi kanina pa nawala pasensya ko.

“Tito Kenji! Karga mo pa ko!” sabi nung batang si Akane. Yung kumandong kay Yashiri kanina.

“Kanina pa kita nakarga ha? Si Emiri muna okay?” sabi ko sa kanya. Karga ko kasi ngayon si Emiri. Little version naman siya ni Fujiko. Super cute. Three years old palang si Emiri.

Nagpout lang si Akane. Mukhang iiyak na. Nako lagot na..

“Ay, huwag kang iiyak okay? Sige dalawa ko kayong kakarga ni Emiri okay?”

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon