*TIKTILAOK!
Time check, it's 7:00 am..and still open wide pa rin mga mata ko. Sabi ko nga hindi ako makakatulog eh. Buong gabi lang akong nakatitig sa kisame. Nakatulog kaya siya? Hello..as if naman affected ng todo yung taong yun? I know na para sa kanya laro lang yung kagabi..
Hay..bakit ba kailangan mangyari sakin to??
*tok tok*
"Ishi-chan? Gising ka na ba apo?"
Agad akong umupo. Shocks ang sakit ng ulo ko..
"Opo Lola!"
Pumasok na sa kwarto ko si lola. Oo nga pala, si Hiroshi nga pala nagsara ng pinto ko kagabi. Nakalimutan niyang i-lock.
"Halika ka na.. tamang tama at gising ka na..nakahain na agahan.."
"Uhm..sige po susunod nalang ako Lola.."
"Sige..bilisan mo ha at lalamig yung pagkain.." lumabas na ng kwarto si Lola Yumi.
Gising na rin kaya si Hiroshi? Nasa dining na kaya siya? Paano ko ba siya haharapin ngayon? Ugh! Ang sakit sa ulo! Nasabunutan ko tuloy buhok ko sa inis..at sa kaba..
After 5 minutes ng pagsasalita ko ng mag-isa, (parang baliw lang >.< ) naisipan ko ng bumangon. In fairness, medyo nawala na yung pilay ko. Medyo lang naman. Patay ako nito kay Lola kapag nakita niya tong bandage..napilitan akong tanggalin nalang kesa magtanong pa si Lola..
Pumunta na ko sa banyo para maligo. Habang naliligo ako, iniisip ko kung paano ko ba haharapin yung lalaking yun. Alam ko naman malaki tong bahay na to, pero dahil sa presence niya parang lumiit na to..hay grabe..
Nang matapos na kong mag-ayos, dahan dahan pa kong lumabas sa pinto...
Ouch masakit pa rin pala paa ko..naman!
"Miss Yashiri? Pababa na po ba kayo?"
"Ha? Ah oo..oo.." Nagulat naman ako kay Ayame. Bakit lately nagiging magugulatin ata ako?
"Sige po..ang tagal niyo daw kasi sabi ng lola niyo.."
"Ayame! Pssttt!" Tinawag ko ulit si Ayame na pababa na ng hagdan.
"Ano yun, Miss Yashiri?"
"Ano.. gising na ba si Ueda-san?"
"Ay.." biglang kinilig yung katulong namin..langya..haha "..si Sir Pogi? Opo gising na ho..hihi.."
Pati ba naman katulong namin type si Hiroshi????
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.