A/N: Sorry for the late UD. Naging busy lang and at the same time nagkasakit ako haha tao din pala ako, nagkakasakit din. Haha.
Media: Picture ni Crown Prince Satoshi sa gilid. Ano kaya ang magiging papel niya sa buhay nina Ojiro at Shouko? Hmmm.. :)
***
~ Yashiri’s POV~
I’m nervous. Nakakatakot ang aura ng elder nina Fujiko. May tungkod siya na pang suporta niya sa paglalakad. Kalbo na ito ngunit sa kabila ng matanda nitong itsura, nababakas ang authority sa pagkatao nito. Parang sa bawat salita nito’y kaya niyang pasunurin ang mga tao.
“Relax…hindi ka naman kakainin ni Lolo ng buhay..” sabi ni Ate Fujiko. Hinawakan niya kasi kamay ko habang naglalakad kami. Naiwan namin sa labas ng bahay sina Hiro kasama sina Ken, Auntie Mei at ang iba pa.
“Hindi ko maiwasan..nakakatakot lolo mo..” sabi ko. Nanlalamig na kasi talaga kamay ko. Nung buhay naman lolo ko, hindi naman siya nakakatakot tignan. In fact, sobrang amo ng mukha ng lolo ko sa mother’s side. Sa father’s side kasi hindi kami close, although buhay pa naman grandparents ko sa father’s side.
“All you have to do is listen to him. Mabait naman yang si Lolo..” sabi pa ni Fujiko.
“Well..okay..”
Nakarating na kami sa main hall ng bahay at umupo kami sa harap ng Elder ng pamilya nina Fujiko.
“Kailan ka pa dumating?” tanong ng Elder kay Fujiko nang makaupo na ito sa harap namin.
“The other day pa, Lolo. Missed me?” sagot ni Fujiko.
“Mukhang nakita mo na sila..” Biglang tumingin sakin yung elder. Poker face lang ito at hindi mo mababasa yung emotion sa mukha niya. Kakatakot. >.<
“Hmp. Hindi mo naman sinagot tanong ko, Lo.” Pagmamaktol ni Fujiko. Nag cross arms pa ito.
“Hindi ka na bata para umasal ng ganyan, apo. Pero..para masiyahan ka..Oo naman. Namiss ka namin dito. Wala nang maingay masyado sa bahay na ito simula nung umalis ka..” Biglang ngumiti yung elder.
“Whoa..” sabi ko. “Marunong po pala kayong ngumiti..”
“Oo naman. Tao din naman ako. Ano ba sa palagay mo, Hija?” sagot ng Elder.
“Hahaha..pasensya na po..”
“Talagang kamukha mo si Empress Shouko. Ano ang pangalan mo?”
Napaayos ako ng upo. “Yashiri Koizumi po..”
“At yung lalaki kanina ay si?”
“Hiroshi Ueda po….”
“Hmm..kamukha niya si Ojiro..pero bakit ganun ang mga pananalita niya kanina? Hindi ba siya sigurado sa sarili niya?”
“Ah..Lolo…nagdadrama lang yun haha..” sabi ni Fujiko.
“Nararamdaman ko kasing hindi pa siya sigurado. Yashiri, alam mo ba kung bakit ka isinama dito ng apo ko?”
“Para po ipakita sa amin yung mga ebidensyang magpapatunay na kami ang reincarnation nina Ojiro at Shouko..”
Tumango tango ang elder. “Kung ganon ay naipakita na niya sa inyo ang mga yun?”
“Hindi pa lahat, Lolo..” si Fujiko ang sumagot.
Kumunot ang noo ng Elder. “Bakit?”
“M-may ano kasi..ah..tinatamad pa kasi ako eh haha..” sabi ni Fujiko.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.