Legend 58: "Secret Revealed"

1.4K 21 13
                                    

A/N: Picture of Lady Masako Akiyama sa gilid. Siya yung anak ng Shogun na dapat na mapapangasawa ni Emperor Satoshi. :)

***

~Yashiri’s POV~

 

“Sa lugar na iyon, naganap ang pinakamagandang pangyayari sa buhay natin, mahal kong Ojiro..at hinding hindi ko makakalimutan iyon.....”

Nahawakan ko nang mahigpit yung sulat ni Empress Shouko kay Ojiro. Nakasulat dito ang bawat pangyayari simula nang magkahiwalay sila ng landas ni Ojiro sa Chiba, hanggang sa may maganap sa kanilang dalawa.

Napapikit ako. Bakit habang binabasa ko kanina ang sulat, bumabalik sakin ang mga alaala ni Empress Shouko? Parte ba ito ng hypnosis o kusa ko nalang talaga nakikita ang lahat? Mukhang tama si Doctor Misao..

“They had sex before..pero..ibig bang sabihin...nagkaroon sila ng anak?” sabi ko sa sarili ko. Maybe, kusa ko na rin makikita ang mga pangyayaring yun. Gusto kong malaman kung nagkaroon ba sila ng anak.

Tumayo ako at inayos yung sulat. Ibinalik ko ito nang maayos sa pinanggalingan nito at napatingin ako sa portrait nina Shouko at Ojiro.

"You both have a very interesting love story.." sabi ko sa portrait. "Sana hindi kami matulad ni Hiroshi sa inyo. Ayokong magkahiwalay kami ng landas.."

Lalabas na sana ako ng pinto nang biglang lumakas ang ihip ng hangin at sumara ang pinto. Napapikit ako sa lakas ng hangin at sa lakas ng pagkakasara ng pinto. Pagmulat ng mga mata ko'y muli ko na naman siyang nakita. Nakatayo siya sa harap ng pinto, hindi kalayuan sakin.

“E-Empress Shouko..”

“Yashiri..” Dahan dahan siyang lumapit sakin. Nagpapakita siyang muli sakin. Hindi ko alam kung matatakot ba ko o ano. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Malungkot ang mga mata ni Empress Shouko. Napatitig lang ako sa kanyang mga mata.

“Unti-unti mo nang nakikita ang nakalipas mong buhay..ang buhay ko..” sabi niya.

“O-Oo..nakikita ko ang lahat..”

“Huwag ka sanang…mabibigla sa susunod kong ipapakita sa’yo..”

“I-Ikaw ang nagpapakita sakin ng lahat habang binabasa ko ang sulat??”

Tumango siya. “Maging ang panaginip mo kagabi..lagi lang akong nasa paligid mo, Yashiri..”

Nanlamig ang buong katawan ko. All the time kasama ko ang multo ni Empress Shouko? Kung may sakit lang siguro ako sa puso, kanina pa ko namatay.

Nang tuluyan na siyang nakalapit sakin ay hinawakan niya ang kamay ko. Nakakapagtakang nahawakan niya yun. Malamig ang kanyang mga kamay. Multo na siya di ba???

“Tumingin ka sa mga mata ko…” sabi niya. Sumunod naman ako at tinitigan ko ang mga mata niya. Hanggang sa para na kong hinihila pabalik sa nakaraan..

***

~Shouko’s POV~

 

“Saan ka nanggaling?”

Nagulat na lamang ako sa sinabi ni Satoshi. Kakapasok ko pa lang sa loob ng aming silid at laking gulat ko nang nakaupo na siya sa aming kama.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon