A/N: Alam niyo ba na ang original story nito ay ginawa ko lang sa notebook, year 2005? Haha I was third year high school nun at bawat mga gawa kong novels ay pinapabasa ko sa mga classmates kong mahilig sa romance novel. That notebook was an illustrated novel. May mga drawings ko siya ng mga important events sa story. Like nung unang pagkikita nina Yashiri at Hiroshi. :)
May picture pala si Ishi with her beautiful diamond ring sa mutimedia section. Haha hindi literal na malaki yung singsing ah. Representation lang yan. Gumawa rin pala ako ng official music video ng Soulmates book one and two, panoorin niyo nalang po sa may multimedia section! Thanks a lot! :)
***
Trivias:
1. Alam niyo rin ba na hindi talaga sa Inubosaki Lighthouse ang original setting ng pagkikita nila, kundi sa TOKYO TOWER? :) Yes, sa Tokyo Tower sila unang nagkakilala. Dun nakatayo yung Cherry blossom tree 300 years ago. Pero naisip ko na mas mysterious ang effect kapag isang lighthouse ang ginamit ko. Saka may effect ng tabing dagat. Yun agad navisualize ko nung sinusulat ko na siya ulit fo Wattpad version.
2. Hiroshi is a photographer sa newspaper company nila and nung mga panahon na nakuhaan niya ng picture at niyakap niya si Yashiri sa Tokyo Tower para pigilan sa pagpapakamatay ay hindi na siya natahimik. Naiwan kasi sa kanya yung panyo na nahulog ni Ishi. Gusto niyang makita ulit si Ishi kaya gumawa siya ng paraan kahit labag sa company rules nila. He published her picture with a caption of "LOOKING FOR ISHI". Nakalagay sa article yung details ng panyo at gusto niya ibalik ito sa babae. That time, nasa panganib ang family ni Ishi dahil sa Kuya Eitaro niya. Ang kuya niya talaga ang member ng mafia sa original plot. Nagtatago sila sa Mafia at ang alam ng mga ito wala sila sa Japan. Hahaha.. at dahil napublish yung pagmumukha niya at nakita niya sa diyaryo, nalaman ng mafia na nasa Tokyo lang din ang pamilya niya kaya nagsimula na naman yung mga death threats sa kanila. Nalaman ni Ishi yung pangalan ng Editor-in-Chief ng Tokyo Times at sinamahan siya ni Toya (bestfriend niya that time) sa office ng newspaper. Aawayin sana ni Ishi si Hiro kaso nagkahiwalay sila ni Toya nung may naganap na lindol. And the story goes on. Haha.
3. Nang malaman nina Ishi at Hiro na sila ay reincarnation nina Ojiro at Shouko ay inalam nila kung ano yung nangyari sa past. Naglakbay sila para mameet ang pinakamatandang descendant ng mga ito. Si Fujiko Watanabe. Gulat kayo no? Hahaha..Fujiko Watanabe in the original story ay isang super tanda na babae. Hindi gaya ngayon na ubod ng ganda at master of all disguises. Hahaha.. siya rin ay descendant nina Ojiro at Shouko pero matanda siya sa original story. Para siyang si Lolo Jiro sa version dito. Malaki ang naitulong niya kina Ishi at Hiro. Hindi rin sila loveteam ni Kenji sa original version. Walang Lola Kyoko si Hiro at wala siyang tatay na galit na galit sa kanya. Wala rin siyang Hikari/Setsuna na first heartbreak niya.
4. Hindi kasali sa original story ang Limelight group. Walang kapatid si Hiroshi. Wala akong binanggit na family niya. Walang Makino, Maiko, Kazumi, Akemi, Satomi at Seya.
5. Wala rin Doctor Misao Takano. Walang hypnosis na naganap.
6. Wala ring flashback sa nakaraan. Haha.
7. Ang main kontrabida sa original plot ay ang furniture designer na si Sumire Aino. Siya lang nagpapahirap sa buhay ni Ishi nun dahil siya yung gusto ni Toya. Haha pero hindi pa rin ganun kaheavy just like in this version.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.