Main Characters: Picture on the right side :)
Yashiri "Ishi" Koizumi~ Makulit at ubod ng ingay. Matakaw pero hindi tumataba. Siya'y 17 years old at nasa first year sa college. Accelerated siya ng isang taon kaya ang bata niya pa for being a college student. Kinuha niyang course ay Broadcasting. Magkaklase sila ni Toya sa ilang minor subjects. 5'6 ang height niya sa kanyang murang edad. Sadyang galing siya sa pamilya ng mga matatangkad dahil ang mommy niya ay isang modelo at ang ama niya ay isang piloto. Marami ang humahanga sa ganda niya, pero kahit anong gawin niya, hindi siya magustuhan ng bestfriend na si Toya. Mahilig siyang kumanta, kaya idol niya ang sikat na singer na si Makino . Galing siya sa isang mayaman ngunit konserbatibong pamilya. Dalawa ang kanyang kapatid. Una ay ang kuya niyang si Eitaro (22) na isang apprentice mechanic ng eroplano, ang sumunod naman ay ang bunsong si Yuuya (15) na nasa junior year sa highschool. Sa kabila ng pagiging masayahin niya, nakatago ang isang malungkot na buhay simula nang madalas na pag-aaway ng mga magulang niya. Dahil sa mga propesyon ng kanyang mga magulang, madalas pag-awayan ng mga ito ang kawalan ng oras sa bawat isa maging sa kanilang mga anak. Kaya naman, inaasikaso na ng mga magulang niya ang divorce papers, pero hahadlangan ito ng pamilya niya sa father's side dahil sa tradition ng kanilang pamilya. Ang lola Yumi niya ang halos nagpalaki sa kanilang magkakapatid. Ngunit magsisimulang magbago ang buhay niya nang magpunta siya sa kinagisnang lugar ng lola niya, sa Chiba. Isang lugar na balot ng misteryo dahil sa isang alamat.
Hiroshi Ueda ~ Palangiti at ubod ng gwapo. Siya'y 23 years old. 5'11 ang height niya. Mahilig makipagbiruan at mahilig sa photography. Galing sa sikat na angkan ng mga Ueda si Hiroshi, dahil ang kanyang ama ay isang business tycoon, ang kanyang ina ay isang sikat na novel writer at ang kanyang nag-iisang kapatid ay isang sikat na singer. May isang bahagi ng kanyang nakaraan ang hindi niya makalimutan.
Toya Takahashi - The super gwapo at talinong bestfriend ni Yashiri. Siya'y 19 years old. 5' 11 din ang height niya gaya nang kay Hiroshi. First year sa college at Architecture ang kinukuha. Simula grade school, magkasama na sila ni Ishi. Dahil sa kanyang matinding sakit nung bata pa siya, dalawang taon siyang huminto sa pag-aaral. Sa simula ng klase sa grade school, tanging si Yashiri lang ang lumapit at nakipag-kaibigan sa kanya. Madalas kasi siyang awayin ng mga classmate nila dahil sa pagiging lampa niya at si Yashiri ang tanging nagtatanggol sa kanya. Kaya nang magbinata siya, nagpalakas siya ng husto para di na siya ma-bully pa. Ubod ng yaman ang pamilya niya dahil sa pagiging sikat na architect ng kanyang ama. Dahil sa kanyang pagiging gwapo, marami ang nagkakagusto sa kanya, kaya marami siyang girlfriends. Pero hindi niya pa rin makita ang babaeng tunay na mamahalin niya, may pag-asa kaya ang kaibigan niyang si Yashiri sa puso niya? O hanggang bestfriends nalang sila?
Supporting Characters :
Yumi Yamamoto ~ Ang lola nina Yashiri, Eitaro at Yuuya. Matalik na kaibigan ni Kyoko Ueda na lola naman ni Hiroshi. Ang babaeng magkwekwento kay Yashiri ng alamat ng Inubosaki Lighthouse.
Fujiko Watanabe ~ isang sikat na pintor. Madalas niyang concept sa mga paintings niya ang mga soulmates. Isang artwork niya ang naka-display sa Art room ng school nina Toya at Yashiri. Ano ang koneksyon niya sa alamat?
Ayame Ishikawa ~ katulong nina Yashiri sa ancestral house sa Chiba. Isa sa mga magiging kaibigan ni Yashiri habang siya'y nagbabakasyon sa Chiba. Taglay rin ang isang misteryosang pagkatao.
A/N: Yung iba secret muna :) I just wrote this para may background kayo sa mga characters. :D
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.