Legend 71: "Revenge"

1.2K 21 29
                                    

~Sumire’s POV~

 

“Sumire? Okay ka lang ba hija?”

Kanina pa ko kinakatok ng mommy ni Toya. Nasa loob lang ako ng kwarto ko sa bahay nila at nagkukulong. Kahapon pa ko umiiyak. Shit lang, bakit kailangan kong umiiyak? Noon pa man sinabihan na ko ni Daddy na huwag na huwag kong gagamitin ang emosyon ko kung hindi, baka hindi kami magtagumpay sa mga plano namin.

“Tita..I’m okay naman po. Huwag na po kayong mag-alala..” sabi ko. Maririnig naman niya siguro yun kahit na nakasara yung pinto.

“Are you sure? Hindi mo ba kami sasabayang kumain? Maya maya aalis si Toya eh..”

Aalis na naman si Toya?

Napatingin ako sa cellphone ko at tinignan ko yung oras.

7:00 pm.

Saan na naman kaya siya pupunta? Malamang kay Yashiri na naman!

“H-Hindi na po siguro, Tita. Kailangan ko na po kasing matulog..” pagdadahilan ko.

“Uh..okay sige..I’m hoping na okay ka lang talaga hija. I’m so worried about you lalo na’t may pilay ka..kahapon ka pa halos hindi lumalabas ng room mo eh..”

Hindi nalang ako kumibo at maya maya'y narinig ko na yung paglayo ni Tita Naomi. Sobra akong nasasaktan ngayon dahil ang tagal kong nag-alala sa pagkawala ni Toya. Ang tagal ko siyang hinintay. Pero nung bumalik na siya, parang hindi niya ko nakita. Si Yashiri agad nilapitan at niyakap niya. Bakit ba ko umasa? Eh sa umpisa palang naman alam kong siya na yung mahal ni Toya. Siya lang talaga.

Siguro yun yung pinaka masakit na part. Minahal ko siya kahit alam kong may mahal na siyang iba. One sided love lang to. 

Dahil sa nangyari kanina, lalo akong nagalit sa babaeng yun.

Ano bang meron siya?

Maganda rin naman ako.

Matalino.

Mayaman.

Sexy.

Pero bakit sina Hiroshi at Toya, maging si Yoichiro, nahuhumaling sa kanya?

Naiinis ako.

Nakakabadtrip.

Nagulat nalang ako ng biglang tumunog yung phone ko. Tumatawag si Daddy.

“Hello, Dad?”

[Nabalitaan ko nangyari sa’yo. Pinabugbog ko na si Akito dahil sa katangahan niya. Kumusta na pilay mo?]

Totoo ba to? Concern si Daddy sakin? Noon kasi, paghihiganti lang ang focus niya at feeling ko pa noon, ginagamit niya lang ako. Pero ngayon, mukhang nag-aalala sakin ang tatay ko.

“Okay lang ako, Dad..onting panahon lang gagaling na yung pilay ko..”

[Bakit kasi yung babaeng yun pa ang target mo? Bakit hindi nalang si Hiroshi na agad o kaya si Makino?]

“Dad..sinabi ko na sa’yo..mas masasaktan siya kung yung babaeng yun ang uunahin ko..doble magiging sakit sa kanya..si Makino naman, mahirap siyang lapitan. Maraming nakadikit masyado sa babaeng yun..”

[Ganun ba. Nga pala, malapit na natin mabili ang Ueda Publishing. Nakikipag-usap na yung abogado natin kay Hajime Ueda. Mukhang papayag na siya..]

Noon pa man, balak ng bilhin ni Dad ang Ueda Publishing dahil napabalitang ipapasara na ito. Kapag nabili na niya ito, ipapatayo niya ang negosyong magpapabagsak sa pamilya Ueda.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon