A/N: Picture ng JPOP singer at kapatid ni Hiroshi na si Makino sa gilid. Hmm..ano kaya ang papel niya sa buhay ni Yashiri? Haha.. :)
****
"Good morning universe!" sigaw ko sa bintana kinaumagahan. Well, buti nalang pagod ako kagabi at nakatulog naman ako despite nang maalala ko yung naganap samin ni Hiroshi nung isang gabi.
"Good morning! Mas maganda ka pa sa umaga.." sigaw ni Hiroshi mula sa ibaba. May hawak siyang mga kahoy.
Ang aga-aga siya agad makikita ko? Naman!
"Mor-morning." Tanging sagot ko sa kanya. Bakit kailangan akong mautal??
"Okay na ba paa mo?" tanong niya.
"Ah oo okay na." Ngayon ko lang naalala magaling na pala injury ko. Napasabak ba naman ako ng lakad kahapon eh.
"Mabuti naman. Hey, mag-ayos ka na..nakahanda na agahan. Then after, magsimula na tayo sa project natin.."
"Project?"
"Yung Tree House. Aayusin natin..saka gagawa tayo ng hagdan.."
"Ah..oo nga pala..sige mag-aayos lang ako.."
"Bilisan mo sweetheart ha.. haha.."
"Tse! Don't sweetheart me!" At sinara ko na yung bintana. Ang aga-aga iniinis ako ni Hiroshi.
***
After ng breakfast namin, nilapitan ako ni Toya at tinanong niya kung okay na ba ko. Sabi ko sa kanya, saka ko nalang sasabihin sa kanya yung nangyari sakin kahapon. Feeling ko kasi kapag nakwento ko sa kanya, kikilabutan na naman ako.
"Tara, tumulong ka samin ni Ueda-san sa project namin.." sabi ko kay Toya.
"Huh? Eh.." Napakamot sa ulo si Toya.
"Come on..sama ka na samin.." Si Hiroshi nagsalita. Siguro kaya parang naiilang si Toya dahil sa sagutan nila ni Hiroshi kagabi. Kailangan baguhin ko ang mood ni Toya!
"Oo nga bestfriend, total andito ka naman!" inakbayan ko si Toya. Sabay kinurot ko pisngi niya.
"Ouch! Haha okay sige..tutulong na ko.." sabi naman ni Toya habang pilit na ngumiti.
"Here.." Inabot ni Hiroshi yung mga tools kay Toya at nagsimula na kaming pumunta sa may Tree House.
"Alam mo ba Toya, umakyat pa ko dito para lang makakuha ng signal! Haha..gustong gusto kasi kitang makausap nun kaya---oopss.." bigla kong tinakpan bibig ko. Mabubuking pa ata ako ng hindi oras nito.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.