Legend 13: "Hiroshi's Past"

1.6K 25 3
                                    

Yashiri’s POV:

 Tapos na kaming kumain lahat, si Hiroshi hindi na bumalik pa. Ang sabi ni Lola Kyoko hayaan na lang daw muna siya. Ganun naman daw yun kapag gustong mapag-isa. Pero bakit? Ano ba yung gustong sabihin ni Makino kanina?

Pagkalipas ng isang oras ay nagpasya na kong hanapin siya. Nagvolunteer naman sina Toya at Makino na sumama. Ang awkward lang. Parang ako pa hadlang sa kanilang dalawa. >.<

“Ishi, isuot mo tong jacket ko, eto..” nang ilalagay na sana sakin ni Toya yung jacket ay bigla namang….

“Achoooooo!” si Makino. “Grabe ang ginaw…hindi man lang ako nakapagdala ng jacket..”

Ampucha. Nagpaparinig ata? Hmp. Nagsisimula na naman akong maasar sa kanya. Ngayon ko naiisip kung idol ko ba talaga tong babaeng to. Kapag naman sa TV napaka-sweet niya, super friendly. Pero ngayon, ibang Makino Ueda nakikita ko. Flirt, maarte, papansin saka…nyek, bakit ako ganito mag-isip? Masyado na ata akong judgemental ah. Tumingin lang si Toya kay Makino at walang sabi sabing ipinatong sakin yung jacket niya. HAHAHA ako ang nagwagi!

“Okay lang honey..sa kanya na yung jacket. I don’t need it anyway. Yakapin mo nalang ako para mainitan ako..” Agad na dumikit si Makino kay Toya at kinuha yung mga kamay nito at ipinalibot sa katawan niya. Grabe lang..ang aggressive niya! Landi much!

“Halika na, Yashiri..” sabi ni Makino habang nakayakap sa kanya si Toya. Nauna na sila sakin. Tong lalaking to mukhang enjoy pa ata! Bwiset!

“Sige, mauna na kayo diyan..dun ako sa kabilang banda dadaan..istorbo pa ko sa inyo..hmp!” Bulong ko sa sarili ko habang nagwalk-out nalang ako. Hindi ata nila napansin na lummiko ako palayo sa kanila. Nakakabadtrip naman kasi si Toya.

Shet, ang dilim. Buti nalang may dala akong flash light. Naglakad ako ng naglakad papunta sa tabing dagat at napansin ko ang lighthouse. Bakit ba palagi nalang ako dinadala ng mga paa ko dun? Bigla akong kinilabutan nang maalala ko yung nakita kong babae. Yung pamilyar niyang mukha. Hay mababaliw na ko! Feeling ko pinaglalaruan ako ng imagination ko.

Patuloy pa rin akong naglalakad nang biglang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na bulto. Nakaupo ito sa isa bato at naninigarilyo. Lumapit ako sa kinaroroonan niya.

“Hiroshi..” sabi ko.

Umangat lang siya ng tingin sakin tapos binalik ulit ang tingin sa dagat. Tumabi ako sa kanya.

“Hindi ka ba nilalamig dito?” sabi ko.

“Hindi naman. Nagyoyosi ako eh..pampainit..” kaswal niyang sagot sakin. Tila seryosong seryoso siya. May problema ba siya? Ngayon ko lang ata siyang nakita na naninigarilyo?

“Bakit ka nga pala nandito?” tanong niya sakin.

“Napadaan lang ako..” pagsisinungaling ko.

Kahit na liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin, kitang kita ko pa rin yung ngiti niya.

“Ows..hinahanap mo ko eh..” sabi niya habang nakatitig sakin.

“Hindi no..asa ka pa..” umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakakatunaw naman kasi.

“Sabi mo eh..” 

Napalingon akong bigla sa kanya at nakita kong sa fagat na naman siya nakatingin. Nyek, akala ko makikipagkulitan pa siya sakin. Yun lang sagot niya? Malalim nga ata iniisip niya.

“Bakit bigla kang umalis?” tanong ko. Naghintay ako ng sagot mula sa kanya. Pero wala. “Sorry, kalimutan mo nalang yung tanong ko.”

Katahimikan.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon