Legend 79: "To Reach Your Heart"

1K 19 18
                                    

~Kenji’s POV~

Grabe.

Ang dami talagang pinabili ni Fujiko. Sangkatutak na acrylic paint, mga canvass at brushes. Nakapila ako ngayon sa cashier sa isang sikat na Art materials store para bayaran yung mga pinamili ko. Teka, ako ba magbabayad ng lahat ng ito??

 Nang ako na yung nasa cashier, napanganga nalang ako sa presyo ng mga babayaran ko. Pikit mata kong  binayaran yung mga art materials ni Fujiko ng CASH. Paalam, mahal kong mga Yen (Currency sa Japan) huhu..

“Maraming salamat, Sir. Balik po kayo..” sabi nung kahera matapos akong makapagbayad.

Napangiti naman ako ng pilit at binuhat yung maraming plastic bags. Ang daming plastic bags…mukhang hindi ko ata kayang buhatin mga to papunta sa parking lot..

“Naku, tulungan ko na kaya kayo, Sir?” sabi ng isang lalaki na staff din sa store na yun. Mukhang naawa ata siya sakin.

“Uh..sige pre..patulong nalang..” sabi ko. Inabot ko sa kanya yung iba kong dala at nagpauna na kong pumunta sa parking lot. Agad kong binaba sa sahig yung mga dala ko at kinuha yung susi ng kotse ko. Pinalagay ko naman sa lalaki yung ibang gamit sa likod ng sasakyan ko. Kinuha na rin niya yung mga plastic na nilagay ko sa sahig at inilagay na rin niya sa loob ng kotse.

“Thank you pare ha, malaking tulong ginawa mo..” sabi ko sabay tapik sa balikat nung lalaki.

“Wala po yun, Sir. Trabaho namin yun..sige po..ingat kayo..”

“Sandali..” Paalis na yung lalaki nang pigilan ko siya. Kinuha ko yung wallet ko at inabutan ko siya ng pera. “Tip mo. Salamat ulit..”

Halata namang natuwa yung lalaki sa halaga ng pera na ibinigay ko. Napangiti ito. “Naku maraming salamat po dito, Sir..”

Kuripot ako pero kapag sa mga ganitong klase ng tao, hindi ako maramot. Lalo na kung ganito kasipag at matulungin yung tao.

Sumakay naman ako sa kotse ko at sinimulan ko ng magmaneho. Imbes na mag-aircon ako, binuksan ko nalang yung bintana. Umandar na naman pagiging kuripot ko. HAHA.

Biglang tumunog yung cellphone ko. Tumatawag si Fujiko.

[Kenny! Nasaan ka na??]

“I’m on my way, huwag kang atat..”

[HAHAHA..atat na atat na ko. Bilisan mo..!]

“Tss..grabe boss na boss ka talaga..atat na atat ka ng makita ako..chill ka lang..huwag kang excited..”

[HAHAHAHA..excited na kong tapusin lahat ng gagawin ko kaya bilisan mo..kailangan ko na yung mga gamit..]

“Oy. Ang dami dami mo namang pinamili..ang mamahal pa. Babayaran mo ko nito..hindi to libre..”

[Ganun? Anong klaseng panliligaw yan, Kenny? Haha ang kuripot mo talaga!]

“Tsss..eh ang mahal kaya! Namumulubi ako sa’yo eh..”

[Ows??? Ang yaman yaman mo eh!]

“Tsss..”

[Basta bilisan mo okay? I’ll wait for you dito sa bahay..bye bye Kenny..]

“Okay..”

Kung hindi lang talaga kita mahal, hindi ako magpapaalipin ng ganito sa’yo…

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon