A/N: Picture ng ating pinakamamahal na photographer sa gilid, Hiroshi Ueda. Hay ang sarap mag-ingay habang may natutulog na matanda sa bahay niyo, tapos siya yung hahalik para mapatahimik ka. Hahaha :)
***
Ojiro..
Ojiro…
Eto na naman siya…
Sino ka ba?
Bakit palagi mo siyang hinahanap?
Ano bang kailangan mo sakin?
Sinundan ko yung boses…
Lakad..
Lakad…
Nakarating na ko sa likod ng lighthouse. May nakita akong isang makipot na daan. Maraming matataas na damo kaya ang hirap dumaan.
Ojiro…
Nakakatakot. Medyo madilim na kaya hindi nalang siguro ako pupunta sa lugar na yun. Babalikan ko nalang si Toya.
“Yashiri! Where are you! It’s not the time to joke around! Lumabas ka na huwag ka nang magtago!” Narinig ko ang sigaw ni Toya.
“I really need to go back..”
Pero nang tumalikod na ko para bumalik sa pinanggalingan ko, isang babae ang nagpakita sakin. Naguguluhan ako kasi hindi ko makita mukha niya. Nakatalukbong kasi. Kakaiba ang suot niya, nakatraditional clothing siya at mukha siyang isang prinsesa noong sinaunang Japan.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
Roman d'amourThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.