Legend 28: "The Empress"

1.6K 26 19
                                    

A/N: Sorry po sa malalim na tagalog for this chapter! Kailangan kasi siyang gamitin hahaha. This time, I used a third person point of view. And there's another picture of Empress Shouko sa side. Amazing talaga ang reincarnation ni Shouko kay Ishi. Para silang twins :) This chapter is dedicated to my number one reader, @HikariChan9. Hehe..  :)

 ***

“Now, sleep…and dream about your old self…Shouko-sama…”

Nakakasilaw yung liwanag na nakikita ko, then maya maya, lumakas na yung hangin sa isip ko. Nakikita ko ang maliwanag na kalangitan at nakahiga ang isang batang babae sa ilalim ng isang cherry blossom tree.

Pamilyar sakin tong lugar na 'to?

***

~Third person POV~

 

Tokugawa Era, 1696

 

“Ah..nakatulog pala ako. Nakakapagod rin naman palang magbasa..” Bumangon ang sampung taong gulang na si Shouko sa pagkakahiga sa damuhan sa ilalim ng puno ng cherry blossom. Ang punong iyon ay ang pinakapaborito niya sa lahat. Nasa tuktok ito ng burol ng Choshi, at malayo ito sa kanilang tahanan na nasa Otaki. Minsan lamang siya magpunta sa lugar na ito dahil halos limang oras rin ang byahe kapag siya ay nakasakay sa kabayo kasama ang kanyang nakakatandang kapatid. Habang siya'y nakatulog kanina, abala naman ang kanyang kapatid sa pangangaso sa gubat.

Sa pagtayo ni Shouko ay nakita niya ang dumi sa kanyang kasuotan. Pinagpag niya yung mamahalin niyang kimono.

“May dumi ang aking kasuotan! Panigurado magagalit na naman sa akin si Ina..” Kinuha niya yung panyo na nakatago sa kanyang bulsa. Mahalaga sa kanya ang panyong iyon dahil binurdahan pa ito ng kanyang lola bago pa man siya ipanganak. Nakaburda sa panyo ang kanyang pangalan.

Shouko

Ang batang maghahatid ng swerte sa pamilya Tsuchida.

Sa araw ng kanyang kapanganakan, inihalal ang kanyang ama bilang Daimyo ng Chiba. Kaya Shouko ang binigay sa kanyang pangalan, siya raw ang naghatid at maghahatid ng swerte sa kanilang pamilya. Dalawa lang silang magkapatid. Ang kanyang nakakatandang kapatid ay isang lalaki, si Shouhei: ang susunod na magdadala sa kanilang angkan. 

Pinunasan ni Shouko ang dumi sa kanyang kimono nang biglang lumakas ang hangin. Sumasama ata ang panahon. Sa lakas ng hangin ay nilipad ang kanyang panyo at sumabit sa isang sanga sa puno ng cherry blossom.

“Ang panyo ko! Paano na yan…lalo akong mapapagalitan ni Ina..” Naiiyak na sabi ng batang si Shouko. Imbes na mapagalitan siya’y pilit nalang niyang inaakyat ang puno para makuha lamang ang panyo niya. Kahit na siya ay galing sa mayamang angkan, alam naman niya kung paano umakyat ng puno.

Nakuha niya yung panyo pero hindi na niya kayang bumaba.

            “Paano ako bababa dito?” Naiiyak niyang sabi. Nahulog pa yung suot niyang tsinelas. At tumama ito sa isang binatilyong natutulog sa kabilang dako ng puno.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon