~Yashiri’s POV~
Nang makauwi kami galing sa date namin, kinausap ako ni Hiroshi ng masinsinan. Kasalukuyan kaming nasa duyan ngayon.
“Bukas na kayo aalis ni Kenji pabalik ng Yokohama?” sabi ko. Nakaupo ako sa duyan at siya naman ay nakatayo.
“Yeah..pinapatawag na kami ni Daddy. About dun sa project..”
Oo nga pala, kaya pala nasa Chiba sina Kenji at Hiroshi ay dahil dun sa investigation nila. Gagawa sila ng article about sa Legend of Inubosaki Lighthouse na siyang wala pang nakakagawa dahil mahirap yung topic na yun. At kung magagawa nila yun ay maisasalba nila yung Ueda Publishing Corporation.
Pero teka, malaki ang involvement namin ni Hiroshi sa legend…at kasama na rito ang pamilya nina Fujiko at ng Imperial Family!
“Hiro! Please huwag mo nang ituloy yung project!” bigla kong sabi. Napataas ang boses ko. Ngayon ko lang narealize lahat. Ngayon lang nagsync in sakin mga pangyayari. Nakaramdam ako ng kaba.
Tila nagulat naman si Hiroshi sa naging reaction ko.
“Ishi?”
“I-I’m sorry..kung nagtaas ako ng boses..kaya lang..”
“I understand. Naisip ko na rin yung worries mo, Ishi. Pangalan mo ang magiging main attraction sa article. Yung mga pictures at videos, ikaw pa rin yung nandun. Magkakaroon ka ng exposure at pagkakaguluhan ka ng mga taga media. Pati ng Royal Family..dahil ikaw si Empress Shouko sa past life mo..”
Kung alam mo lang Hiroshi. Mas malaking gulo kung malalaman mong hindi legal ang bloodline ng Royal Family ngayon, at yun ay dahil kay Empress Shouko at kay Ojiro. Ang isang gabi nilang magksama sa silid na yun ay nagbunga ng kambal. Sina Prince Takeru at Princess Tomoyo.
“Tama ka..and I’m really scared. I’m sorry. Ang sabi ko noon tutulungan kita para magkaayos na kayo ng Daddy mo, pero..” sabi ko.
“Naiintindihan kita. Hindi naman natin alam na mangyayari to eh. Para tayong pinaglalaruan ng tadhana..”
“Yeah..sobra tayong pinaglalaruan..”
Katahimikan. Napatingin ako sa mukha ni Hiroshi. Ang seryoso niya masyado. Mukhang nahihirapan siyang magdesisyon.
“You know what, this is the first time in my entire life na nahirapan akong magdesisyon..” biglang sabi niya.
Hindi nalang ako nagsalita. Mas makakabuti naman talagang huwag niya ilabas lahat. Para na rin to sa kapakanan niya, naming lahat.
“I’m torn between my love for you..and my love for my family. I’m torn between your safety and sa kapakanan ng mga tao sa company..”
Bigla akong nakaramdam ng awa sa mga taong umaasa sa kumpanya nila. Shit, bakit kailangan kasing malaki ang involvement namin at ng Imperial Family sa legend na yun?
Tumayo ako at hinawakan yung kamay ni Hiroshi. “I’ll help you..mag-isip tayo ng ibang paraan..”
“Problema ko to, Ishi. Ayaw kong pati ikaw mamoblema..”
“Pero kasama naman talaga ako sa problema mo di ba? Involve din naman ako..”
“Kami nalang ni Kenji bahala..don’t worry..”
“Hiro..I’m so worried..baka kung anong mangyari kay Lola Kyoko. Umasa pa naman siya..”
Speaking of Lola Kyoko, alam niyang ako si reincarnated Empress Shouko! Maging sina Lola Yumi at Ayame ay alam nila yun. Kailangan ko pala silang makausap.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.