Legend 15:"Mr. Perfect vs. Mr. Right"

1.6K 27 6
                                    

A/N: Picture of Hiro, Ishi and Toya (in order) sa gilid. Kumusta naman kayo dear readers? Nagustuhan niyo ba ang revelation ng past ni Hiroshi? Haha.. marami pang magaganap na revelations kaya tutok lang kayo sa mga updates. Huwag bibitiw! :)

***

 

~Yashiri's POV~

 

 

 

"Napagtanto ko na nagpaparamdam sa'yo yung babae dun, and sa'yo lang siya nagpapakita.. kaya ikaw ang daan ko para malaman ang lahat..Will you help me?" Hiroshi asked me. Nagugulat ako sa mga rebelasyon niya ngayong gabi. Kanina, awang awa ako sa mga nangyari sa past niya. Sa gwapo niyang yun, may babaeng nanloko at nagpaasa sa kanya. Ouch lang di ba?

Ngayon naman hinihingi niya ang tulong ko. Kaya pala nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na lagi siyang wala. At kaya pala sa unang pagkikita namin, nandun siya sa area ng lighthouse. May malaki pala siyang misyon dito, at ang tagumpay ng mga plano niya ang bubuhay sa newspaper company nila. At noon pa pala, inoobsernahan na pala niya mga kilos ko. Kaya pala...

Yumuko ako at nag-isip. Paano ko ba siya matutulungan? Ibig bang sabihin kailangan harapin ko yung nagpaparamdam sakin sa lighthouse? Iniisip ko palang na makikita ko ulit siya, kinikilabutan na ko.

"Hiroshi.." sabi ko sa kanya. Nakipagtitigan siya sakin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pag-aasam na matulungan ko siya.

"Yes? Napag-isipan mo na ba? All I need now is you..please?" Humigpit yung hawak niya sa kamay ko.

Ang sarap pakinggan yung mga salitang binitiwan ni Hiroshi. Ramdam ko na kailangan na kailangan niya ko talaga. Makakatanggi ba ko? Pero ibig sabihin rin ng pagpayag ko ay lagi ko siyang makakasama sa buong summer vacation.

"Okay sige..para kay Lola Kyoko..at para na rin magkaayos na kayo ng daddy mo. Pero natatakot ako.."

"Saan ka natatakot?"

"Alam mo kasi..nagpakita talaga siya sakin..at hindi ko nagustuhan yung nakita ko..hindi ako sigurado kung siya ba yung nagpaparamdam sa lighthouse. Para kasing imagination ko lang siya na ewan. Natatakot ako sa multo..kung multo nga siya.."

Medyo natawa si Hiroshi. "Takot ka sa multo?"

"Oo no!"

"Hayaan mo, kasama mo naman ako lagi eh."

Mula sa mga kamay ko, inilapit niya yung kanang kamay niya sa pisngi ko. "Hindi kita iiwanan. I'll protect you from harm. Thank you at pumayag ka.." saka siya ngumiti.

Para akong natutunaw sa mga ngiting yun. Hindi ako makapaniwala na isa siyang black sheep noon, na kasali siya sa isang mafia.. na babaero siya..na masama siyang tao. Magagawa ba niyang ngumiti nang ganyan kung ganun siya?

Nakatitig lang ako sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Mukhang iba to sa bilis ng tibok ng puso ko pagdating kay Toya. Gusto ko ang pakiramdam na to. "Hindi kita iiwanan. I'll protect you from harm...." Ume-echo pa rin sakin yung huling sinabi niya.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon