Legend 76: "Mysterious Smile"

1.1K 20 3
                                    

~Hiroshi’s POV~

“Marketing strategy lang ang kailangan dito, and we better think of the things that will make Ueda Publishing more visible to other people. Mr. Kenji Mizuki and I already talked to people with so much connections with other media corporations and they are willing to collaborate with us..that’s all gentlemen.”

Nagpalakpakan ang lahat ng Board members. I saw Kenji who is operating my presentation sa laptop and gave me a two thumbs up. Napangiti naman ako. Pero nawala yung ngiti ko nung napatingin ako sa seryosong mukha ng Daddy ko. Hindi man lang ba siya na-impress sa presentation ko?

“Your proposal is  very good, Mr. Hiroshi Ueda..that’s why I’m really confused kung bakit ayaw ibigay sa’yo ng Dad mo ang pamamahala ng Ueda Publishing..I’ll definitely vote for you para maging CEO ng Ueda Publishing…” sabi ni Mr. Yamaguchi,  isa sa mga Board of Directors. Napatingin naman ang lahat sa matandang lalaki na nakaupo sa pinakadulo at gitna ng long table, ang Daddy ko. Ang nag-iisang si Hajime Ueda.

Kakatapos ko lang magpresent ng proposal ko para maisalba ang isa sa company ng Ueda Corporation, ang newspaper company namin. Hindi ako nagtagumpay sa project na binigay sakin ni Daddy because I really want to protect my girlfriend, and also Fujiko’s family. Sinabi ko lang yung mga napag-usapan namin nina Seya na tutulungan ng Dream Big Agency ang Ueda Publishing with the collaboration of other media like TV, Radio and Internet. Nakipag-usap din si Kenji sa mga kaibigan niyang taga media at advertising agencies for some partnership. Dapat maintindihan ni Daddy na hindi madali ang buhayin ang newspaper company dahil ang klase ng medium na yun ay pawala na dahil sa modern technology. Dapat niyang tanggapin na kailangan namin ng tulong ng ibang media. He’s a businessman at dapat alam niya yun.

“I agree with Mr. Yamaguchi..” sabi naman ni Mr. Matsuda. “Bakit nga ba hindi natin gawin ang proposal ni Hiroshi, Hajime?”

“But what about the Inubosaki Lighthouse story? The task I gave you and Kenji Mizuki four months ago…” sabi ni Daddy sakin. Hindi niya sinagot yung tanong ng mga Board members.

“Sir, hindi ko na itutuloy yung task na yun..I made it clear to you last time na wala akong napala sa Chiba..” sabi ko. Kapag nasa opisina kami, Sir ang tawag ko kay Daddy.

“That story… yun ang susi para sumikat at makilala ulit ang Ueda Publishing!” Napatayo si Dad.

“Hajime..bakit ba masyado kang obsessed sa legend na yun? Kung yung ibang TV Stations nahirapan sa paghahalungkat sa legend na yun, tayo pa kaya??” biglang sabi ni Mr. Hamasaki.

Biglang parang natauhan si Dad at naupong muli. “Yun na nga yung challenge dun eh.. kung tayo ang unang makakatuklas sa legend..makikilala tayo at pag-uusapan ng lahat..”

“Your son’s proposal will definitely work, Hajime. Kesa naman mabili pa ito ng iba diyan. Naririnig kong may interesadong bumili ng Ueda Publishing…are you for real, Hajime? Bakit ipagbibili mo ang unang company na pinaghiparan ng late chairman, ng tatay mo?”

Teka, bakit parang ngayon ko lang narinig to? Ipinagbibili ni Dad ang Ueda Publishing?

“Isa yun sa mga options ko..” sabi ni Dad. “I want to build a new business..”

“Pero sayang..we should give this a shot..or more or less, improve the publishing company..” ~ Mr. Yamaguchi.

“Oo nga naman, Hajime…pagkatiwalaan mo nalang ang anak mo..” Mr. Matsuda

“Let us all settle this with a vote, shall we gentlemen?” Mr. Kobayashi

“Who is in favor of selling Ueda Publishing to other investors?” ~ Mr. Nakahara

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon