~Toya’s POV~
Mabilis na mabilis ang kilos ko matapos akong babaan ni Sumire ng telepono. Agad akong nagpunta sa police station para humingi ng assistance. Pinahiram naman ako ng hepe ng pulis ng baril upang kung anuman ang mangyari ay kaya kong protektahan ang sarili ko.
“Marunong ka bang gumamit niyan, hijo?” tanong sakin ni Hepe.
“Marunong ako, Sir..” sagot ko. Nasa loob kami ng police car. Sa tono ng pananalita ni Sumire kanina ay nakaramdam ako ng takot para sa kanya. Ngayon lang ako nag-alala ng ganito sa kanya at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kanina lang si Ishi ang iniisip ko, ngunit nang tumawag si Sumire ay biglang nahati ang puso ko.
Nang makarating kami sa lumang subway, mabilis na nagtago ang mga pulis. Ako rin ay nagtago. Ang sabi pa nila sakin ay huwag akong kikilos ng hindi maganda, baka daw ako mapahamak. Mula sa pinagtataguan ko ay may nakita akong isang lalaki na pumasok mula sa labas at nagsisisigaw ito. Napasilip naman ako ng bahagya sa loob at nakita ko si Hiroshi na nakatali sa isang upuan. Nasa likod naman niya si Sumire.
Bakit nandito si Hiroshi??
“Bakit? Anong nangyayari??” Nakita ko ang Daddy ni Sumire na pababa sa hagdan. Kasunod nito ang isang lalaki.
Bakit pati ang tatay ni Sumire ay nandito? Ano ba talagang nangyayari? Naguguluhan na ko.
“Nakita namin yung bangkay ni Enishi sa loob ng kotse niyo..”
“A-anong..” sabi ng tatay ni Sumire. Napatingin ito kay Sumire. Nakita ko ang pamumutla bigla ni Sumire.
“Anong ibig sabihin nito, Sumire?” tanong pa ni Mr. Aino.
Mukhang galit na galit na yung Daddy niya. Pero bakit? Mukhang anytime ay papatay na ng tao yung tatay niya. Napatingin ako sa mga pulis na malapit sakin. Sinenyasan nila ako na huwag akong kikilos. Muli akong napatingin kay Sumire. Mukhang takot na takot siya.
“Huh? Teka wala—“
Hindi na ko nakatiis. Tumayo na ko at pinaputok ko sa ere yung hawak kong baril. Napatingin silang lahat sakin. Nakita ko ang relief sa mukha ni Sumire. Bigla namang may lalaki na patakbong papalapit sakin, ngunit hindi na ito nakalapit sakin dahil binaril na ito ng mga kasama kong pulis na umalis na sa mga pinagtataguan nila. Agad naman ako pinadapa ni hepe na nasa tabi ko. Ako man ay pinoprotektahan ng hepe.
“Pero..si Sumire!” sabi ko sa hepe.
“Huwag ng matigas ang ulo, hijo. Ikaw ang mapapahamak sa ginagawa mo eh. Hindi ba’t sabi ko sa’yo huwag na huwag kang gagawa ng kahit na ano??Kapag nalaman ng Daddy mo ang lahat ng ito ay kami ang mapapahamak. Ano nalang sasabihin niya kapag ang nag-iisa niyang anak at tagapagmana ay mapapahamak??” galit nitong sabi.
“Pero—“
“Sumuko na kayo!” sabi nung isang pulis. Napatingin ako sa paligid at hinahanap ko si Sumire. Hindi talaga ako pinapakawalan ni Hepe.
“Napapaligiran namin kayo!” sabi pa nung isang pulis.
“Sh*t..” sabi ng Daddy ni Sumire. “Ikaw ang may pakana nito, Sumire?”
“Para matapos na yang kasamaan mo!” sigaw naman ni Sumire. Anong kasamaan ba sinasabi ni Sumire? Ito ba yung blackmail niya sa pamilya namin? Gusto ng tapusin ni Sumire yung mga masasamang ginagawa ng Daddy niya sa pamilya ko?
“HAYOP KA!” narinig kong sigaw ni Mr. Aino at tinutukan ng baril si Sumire. At nang magpaputok na siya, agad namang kumilos ang mga pulis. Nakita kong iniligtas ni Hiroshi si Sumire.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.