Legend 77: "Selfish Love"

1.1K 20 5
                                    

~Sumire’s POV~

 

Natapos na ang second subject ko at napansin ko na may mga natitira pa rin na members ng media sa harap ng gate ng school namin. Ano kayang nangyari?

“Grabe nakita mo ba yung nangyari kanina? Kasama nung prinsipe si Koizumi-senpai. Magboyfriend na ba yung dalawang yun?” ~girl 1

“Naku mukhang hindi pa. Mukhang nililigawan palang siya ni Crown Prince. Grabe ang swerte niya, nakakainggit! Ang gwapo pala ng Crwon Price natin!” ~girl 2

“Ang sabi ng mama ko, seven years ago pa daw nung huling makita yung Crown Prince at after nun, wala ng nakaalam kung nasaan na yung prinsipe natin! Wow talaga ang swerte ni Koizumi-senpai! Bagay na bagay sila..” ~girl 3

Habang naglalakad ako papunta sa school cafeteria para maglunch, narinig ko yung tsismisan ng tatlong first years na naglalakad. Si Yashiri at si Crown Prince Yoichiro, magkasama? So nalaman ng media na nandito na ang Crown Prince kaya sila pinakakaguluhan kanina??

Malaking problema to. Agad akong lumayo sa maraming estudyante at pumunta sa likod ng school kung saan walang tao. Tinawagan ko agad si Daddy.

“Daddy, we have a problem..”

[Ano na naman yan, Sumire?]

“Si Yashiri..”

[Matagal na siyang sinusubaybayan ng mga tauhan ko. Malamang andiyan nga din sa school niyo yung mga yun.Anytime pwede na siyang kunin ng mga yun.]

“Pero Dad, wala si Yashiri ngayon dito..”

[ANO? Huwag mo sabihing hindi pa kumikilos mga tauhan ko?]

“I don’t know..pero malaki talaga problema natin. Kasi Dad..dikit ng dikit sa kanya yung Crown Prince..”

[Crown Prince? May ganun ba tayo? Parang wala akong naririnig na may Crown Prince dito.]

“Oo naman Dad! Matagal siyang nawala dito sa Japan at dito siya sa school namin nag-aaral. Dikit siya ng dikit kay Yashiri. Mukhang mahihirapan tayong dumiskarte..mahirap kalaban ang Imperial Family..”

[Oo nga, mahirap nga. Ikaw na mag-isip ng paraan para hindi na dumikit pa yung prinsipe na yun sa kanya. Mainit ang ulo ko ngayon kaya wag mo ng dagdagan pa..]

“Bakit? Anong nangyari?”

[Umatras ang Ueda Publishing sa bentahan. Nireject nila yung offer ko..bwiset!]   

“Bakit ba kasi kailangan niyo pang bilhin yun kung kaya niyo naman magpatayo ng mas malaking kumpanya?”

[Wala ka ng pakialam dun, Sumire. Basta gawin mo yung pinapagawa ko. Kumusta kayo ni Toya?]

“Kami? Malabo, Dad. Humaling na humaling siya kay Yashiri…”

[Ang landi talaga ng babaeng yun ano? May Hiroshi na, may Crown Prince na..may Toya pa..]

“Yeah, Dad. She’s a bitch!”

[O, kesa magdrama ka diyan, pikutin mo na si Toya para makapagpakasal na kayo. Tandaan mo, kailangan natin ang shares at kapangyarihan ng pamilya niya para magawa pa mga plano kong paghihiganti..]

“Dad..para kay Ate Setsuna ba talaga tong ginagawa natin? O para lang sa sarili mong ambisyon?”

[Para to sa Ate mo. Tandaan mo, pinatay ni Hiroshi Ueda ang Ate Setsuna mo. Huwag ka ng magduda sa lahat ng pinapagawa ko sa’yo.]

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon