A/N: Heto na ang first full chapter at moment ni Pretty Makino. May picture sila ni Seya sa gilid. May panibago na namang gwapong character. >.<
*****
Makino’s POV:
“Buti nakatakas ako kay Seya haha..siguro nagwawala na yun ngayon..” sabi ko sa lahat. Ang hirap naman kasi takasan nun eh. Buti nalang may biglaan silang meeting kaninang umaga.
Si Seya Fujioka, siya ang poging manager ko. Siya ata ang pinakabatang manager na nakilala ko, twenty four palang kasi siya. Under ako ng Dream Big Agency, at si Seya ang nagha-handle sakin bilang talent niya. Magaling siya sa composition ng music, at karamihan sa mga kanta ko, siya ang gumagawa. Sobrang galing niya sa music.
“Sinong Seya? Boyfriend mo?” tanong ni Yashiri. Napatingin ako sa kanya. Nakakagulat naman kasi yung tanong niya. Boyfriend ko ba si Seya? Simula kasi nung una ko siyang makita, nagkagusto na ko sa kanya. Yung tipong “Love at first sight”. Pano ba naman kasi, gwapo na, magaling pa sa music. Sino ba naman hindi ma-iinlove sa kanya di ba?
Nginitian ko si Yashiri dahil may naisip na naman akong bagong kalokohan.
“No..he’s my manager..and besides..I think nakita ko na ang magiging boyfriend ko dito..” sabi ko sa kanya habang nakatingin ako kay Toya na kasalukuyang ngumunguya. Nakakatawa lang kasi nabulunan pa siya. Iniabot ko yung tubig ko sa kanya, para maisip ni Yashiri na nag-indirect kiss kami. Haha, ang pilya ko talaga. Lakas trip ko haha!
“I thought you liked Seya, Maki..” tanong sakin ni Kuya Hiro. Nakahalumbaba lang siya sa lamesa at nakatingin sakin. Sa kanya ko lang kasi sinabi noon na crush ko si Seya.
“Ha? Of c-course n-not Kuya!” nauutal kong sabi. Bigla kasi akong namula. Mukhang hindi marunong makisama sa trip ko tong si Kuya.
“Defensive..” Ngumiti ng nakakaloko kuya ko. Heto na naman siya. Mabait talaga si Kuya Hiro ko sakin, pero minsan, trip din niyang mang-asar, na normal naman sa magkapatid di ba? Pero pagdating sa biro tungkol sa feelings ko, ibang usapan naman ata yun.
Hindi ko makakalimutan yung araw na nakilala ko si Seya. Dahil sa kanya, naging JPOP Idol ako. Nang dahil sa kakapalan ng mukha ko at nang dahil sa tissue paper, nakilala ko ang first love ko.
~Flashback~
Three years ago…
Tinakasan ko yung driver ko, naiinis na kasi ako na laging may bumubuntot sakin, pati sa loob ng eskwelahan may bantay ako. Tuloy, wala akong kaibigan. Walang makalapit sakin. Kaya naman nang nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas sa kanila, go agad ako!
Hanggang sa napadpad ako sa isang tagong ice cream store. Walang masyadong tao at sobrang tahimik. Tindahan ba talaga to? Hay..deadma nalang. Gusto ko rin ng katahimikan. Pumasok na ko sa loob ng tindahan. Nakakagutom din naman yung pagtakbo ko kaya umorder na rin ako. Lahat na ata ng flavor nasa apa ko na…ang sarap naman kasi! Yummy!
Habang kumakain ako, isang lalaking naka-hoody jacket ang nakita kong nakaupo sa sulok ng store, mukhang tapos na siyang kumain at may sinusulat sa medyo kalakihang tissue paper. Ang init init naka hoody? Yung totoo?
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.