Legend 30: "The Escape Plan"

1.5K 20 28
                                    

A/N: Hahaha Toya's back! Namiss niyo siya no? Aminin! Haha. Sa nalalapit na birthday ni Yashiri,  nalalapit na rin ba ang face-off nila Toya at ni Hiro my labs? *@HikariChan9's pen name kay Hiroshi*. Chill lang kayo guys, maghaharap din yung dalawang yun haha. :)

Media: Sumire Aino's picture sa gilid :p

***

~Toya’s POV~

 

            Isang linggo na lumipas nang umalis ako sa Chiba. Isang linggo na rin akong parang preso dito sa bahay namin. Nagkalat ang mga bodyguards dito sa bahay at take note, dito talaga pinatira yung Sumire na yun. Nasa kabilang room lang siya. Mabuti na daw na magkasama kami sa iisang bahay para lalong makilala ang isa’t isa. Ano bang pakialam ko sa babaeng yun? Mas mahalaga sakin ang araw bukas! Birthday ng pinakamamahal kong babae. Pero heto ako ngayon, walang magawa!

            “Sir Toya?” boses mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

            Napabangon ako mula sa kama at binuksan ko yung pinto.

            “What do you want?” Masungit kong sabi sa bodyguard ko.

            “Pinapatawag kayo ng daddy niyo.”

            “Ano daw kailangan niya? Kung sino may kailangan, siya lumapit.” Isasara ko na sana yung pinto nang pigilan ito ng bodyguard ko.

            “Ano na naman?” Sabi ko.

            “Pasensya na sir, hindi ko kayang sabihin kay Sir Tomoya mga pinapasabi niyo. Baka matanggal ako sa trabaho. Pamilyado ako, Sir.”

            Medyo natawa ako. Oo nga naman, tanggal siya talaga sa trabaho kapag sinabi niya yun kay Daddy.

~Imagination:

            “Nasaan na si Toya?” Tanong ng daddy ko.

            “Hindi po siya sumama, Sir Tomoya.” Sagot ng bodyguard ko.

            “At bakit?” Hinampas ni daddy yung lamesa.

            “Pinapasabi niya na kung sino daw may kailangan, siya daw lumapit. Meaning kayo daw lumapit sa kanya..” Takot na takot na sabi ni bodyguard.

            “You’re fired! Get lost!” Ang cold hearted ni Daddy! Scary!

            “Sir, maawa na po kayo! Pamilyado po ako!” Lumuhod sa paanan ni Daddy yung bodyguard ko at pinulupot yung mga kamay sa hita ni Daddy.

            “Wala akong pakialam! Let go of me, bastard!” Sinisipa nito si bodyguard sa mukha.

            “Sir, have mercy huhu..”

~End of imagination~

            HAHAHAHA. Natatawa ako!

            “HAHAHAHA…” Talagang hindi ko napigilan, tumawa na ko.

            “Sir Toya? Ano pong nakakatawa?”

            “W-wala, HAHAHA. Sige, halika na puntahan na natin ang boss mo HAHAHA..”

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon