Legend 35: "The Missing Link"

1.4K 24 29
                                    

~Yashiri’s POV~

            “Alam ko, sa'yo lang siya. I can’t believe this..naiiyak ako. All this time akala ko para lang sa wala mga ginagawa ko..huhu..welcome back, lola!”

            Anong pinagsasabi ng weirdong babaeng to? Mukha na ba kong matanda para tawagin niyang lola???

            “Ugh..excuse lang no..pakibitawan ako miss..” sabi ko.

            “Huh? Ayaw ko!”

            “Bitawan mo ko, utang na loob..”

            “Uh, miss bitawan mo na siya..kasi ano..” sabi ni Hiro.

            “Ayaw ko! Ayaw ko!”

            “Bitawan mo ko kasi hindi ako makahinga!” sigaw ko. Sa leeg ba naman kasi ako yakapin. Adik lang!

            “Ayy..” Agad niya kong binitawan. “Sorry..hehe”

            Umubo ako ng umubo samantalang si Hiro naman ay panay ang hagod sa likod ko.

            “Papatayin mo ba ko ha!” Sigaw ko sa babae.

            “Sorry talaga. Na-carried away lang naman kasi ako eh..”

            “Grabe..muntik na ko dun..” sabi ko.

            “Oh shit..andyan na siya!” biglang sabi nung babae. Agad niya kaming hinila ni Hiro patakbo.

            “Huy, bitawan mo nga kamay ng Hiro my labs ko!” sabi ko habang tumatakbo kami. Parang may tinatakbuhan siya na something.

            “Mamaya na tayo mag-usap, lola. Punta muna tayo sa kotse ko!” Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa mapadpad kami sa isang eskinita. Sa kabila nun, makikita ang isang dilaw na kotse. Mukhang taxi nga eh.

            “Sakay..”

            “Ha?” sabay naming sabi ni Hiro.

            Sumakay na yung babae sa kotse. “Kung hindi kayo sasakay, mamamatay kayo. Dali, sakay na!”

        Natakot naman kami ni Hiroshi at bigla sumakay sa kotse. Nagsimula nang patakbuhin nung babae yung sasakyan.

            “Saan mo ba kami dadalhin?” sabi ni Hiro.

            Hindi nagsalita yung weird na babae at tuloy tuloy lang sa pagmamaneho. Grabe para siyang nakikipagkarera sa bilis ng takbo. Napansin ko yung libro sa may tabi niyang upuan sa uanahan ng kotse.

            “Bakit ka nanghiram ng libro tungkol sa Imperial Family?” tanong  ko.

            Hindi pa rin ako sinasagot. Medyo kinakabahan na ko. Tumingin ako kay Hiro na bakas rin ang pagtataka sa mukha.

            “Hiro? I’m scrared.” Bulong ko sa kanya.

          “I’m here. Huwag kang matakot.” Ngumiti siya sakin. Now I feel at ease. Kung ano man ang mangyayari samin, kasama ko naman ang hot boyfriend ko para ipagtanggol ako.

           Makalipas ang ilang minuto napunta kami sa isang cheap na hotel. Nagpark siya sa isang parking space na puro kakulay nung kotse niya. Hmm weird talaga. Agad naman kaming pinababa nung babae.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon