A/N: Kinabahan kayo no? Akala niyo may nangyari nang masama kay Ishi. Hahaha.. pakaba portion lang ako nun haha..salamat pala sa mga nag follow sakin at sa mga naglagay ng mga novels ko sa library nila. Salamat din sa mga walang sawang sumusuporta sa Soulmates. Sa mga mahilig magcomment at magvote, salamat talaga ng dami :)
***
~Hiroshi’s POV~
Halos masapak ko na yung manager kanina habang pinipilit ko kung saan nila nakitang pumunta sina Ishi at Sumire. Buti nalang nasa ladies room lang pala sila. Grabe kaba ko dun. Psssh.
“Okay ka na ba, Hiro my labs?” sabi ni Ishi. Nasa loob kami ng elevator at papunta sa department store. Bibili daw si Sumire ng damit na pamalit ni Ishi, but I insisted na ako na ang bumili. Nilibre na nga niya kami ng lunch. Nakakapang duda na yung sobra niyang kabaitan.
“I’m fine. Basta huwag ka lang mawawala sa paningin ko..” sabi ko. Hinigpitan ko lalo ang hawak ko sa kamay niya.
Nginitian niya ko. Hindi ko talaga alam gagawin ko kapag nawala sakin si Ishi. Gusto ko lagi lang siyang nasa tabi ko. Bigla akong napatingin kay Sumire. Nakatingin lang siya samin at seryoso ang mukha niya. Tss. Kamukha niya talaga si Hikari. Naalala ko tuloy yung ex kong sinaktan ako ng todo todo.
Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya bigla siyang ngumiti. Ang creepy ng ngiti niya. Kinilabutan akong bigla.
“5th floor..” sabi nung elevator girl.
Lumabas kami sa elevator at naglakad papunta sa department store. Nasa unahan namin si Sumire. Sexy si Sumire at talagang maganda rin. Maputi rin siya gaya ni Yashiri. Mas matangkad nga lang si Ishi sa kanya ng onti. At para sakin, mas maganda pa rin ang prinsesa ko.
“Tara, dun tayo sa ladies section. Gusto ko na rin bumili ng mga bagong damit..” sabi ni Sumire.
Sumunod lang kami sa kanya. Habang panay naman ang turo ni Ishi ng mga magagandang damit. Magaling pumorma si Ishi, at magaling din siyang pumili ng damit. Namana niya siguro sa mommy niya na isang sikat na modelo.
May sariling mundo si Sumire habang pumipili ng damit. Kami naman ni Ishi ay naghahanap din ng maganda niyang pamalit.
“Ano sa tingin mo dito, Hiro my labs?” Ipinakita sakin ni Ishi ang isang cute na pink dress.
“Hmm..parang masyadong cute. Lalo ka lang magiging cute diyan..”
“Ha? Ayaw mo ba nun? Magiging lalo akong maganda sa paningin mo..”
“Gusto ko ako lang makakakita. Eh nasa public tayo eh. Mahirap na, baka pagkaguluhan ka ng mga lalaki..”
“Aysus..ang possessive naman ng Hiro my labs ko..” Bigla akong niyakap ni Ishi sa braso. Kinikilig na naman ang prinsesa ko.
Naglakad kaming muli ni Ishi at nagcanvass pa ng ibang damit.
“Hmm ito kaya, Hiro?” Inilahad niya ang isang…uh…daring na damit? Mababa ang neckline at bakat na bakat sa katawan ito kapag sinuot niya. Kulay pula pa man din. Pang sexy talaga.
Napangiti ako. Gumana na naman pagiging pilyo ko. “Sukatin mo, Ishi..dali..”
Shet, ang lapad ng ngiti ko HAHAHHA.
“Hmm..sige. Samahan mo ko..” sabi ni Ishi.
“Opo hahaha..”
“Teka, bakit parang ang saya saya mo?”
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.