Toya's POV:
"Ang ganda niya lalo sa personal no, Ishi? No wonder idol mo siya.." sabi ko kay Yashiri. Kanina ko pa kasi tinitignan si Makino Ueda. This is really a rare opportunity na makasama yung sikat na tao na gaya niya. She's a real beauty. Ang puti at kinis ng balat, super haba ng buhok na makintab, slender legs. Wow talaga. >.<
"Bakit, crush mo siya no?" sagot ni Ishi. Parang bigla ata naging masungit to? Ayaw niya bang maagaw sa kanya yung idol niya? O ayaw niya na may crush ako kay Makino? Parang ang sarap tuloy niyang asarin! Haha.
"Hmm..bakit naman hindi? Maganda siya..gwapo ako..bagay kami..haha.."
"Oo na bagay na kayo!" Bigla nalang umalis si Ishi. Nayabangan ata sakin? Hindi pa ba siya sanay sakin?
"Ishi, wai-" Susundan ko sana si Ishi. Papaamuhin ko siya. Ayoko kasi na naiinis o nagagalit siya sakin. Kaya nga ako nandito dahil hindi ako sanay na malayo siya sakin. Pero bago pa ko makapaglakad, pinigilan ako ni Makino.
"Hey, you want to play a game?" sabi niya sakin. Medyo pawisan na rin siya, pero maganda pa rin. Pero kahit na may chicks pa sa harap ko, si Yashiri pa rin ang maganda para sakin.
"What do you mean?"
"I know how to solve your problem, Mr.?"
"Takahashi Toya. You can call me Toya."
"Ow? From the famous architect clan?"
"You bet.." So ganun pala kasikat pamilya namin at ang JPOP Idol na gaya ni Makino ay kilala kami?
"Well, Toya-kun. Nahalata ko kasi na may gusto ka sa number one fan ko.."
"Uh.." Bigla akong namula. Buti pa to, nahahalata niya feelings ko. Pero si Ishi, manhid ata. "Ganun ba ko kahalata?"
She nods.
"Manhid lang siguro siya." Sabi ko habang natatawa ng mahina. Napakamot tuloy ako sa batok ko.
"About the game..you want to try it?" lumapit lalo sakin si Makino. Inaakit ba ko nito? Sorry siya, hindi ko siya papatulan.
"I don't know what you're trying to say.." Medyo lumayo ako at lumingon sa paligid. Baka makita kami ni Yashiri eh.
Pinunasan ni Makino yung pawis ko sa noo. "Gusto mo bang malaman yung totoong feelings sa'yo ni Yashiri-chan?"
"Huh? Paano?"
"Just play with me. This game is called...the art of jealousy." Ngumiti siya sakin.
Naughty din pala tong si Makino. Angelic face pero may sungay rin pala.
****
Makino's POV:
"Pumasok si Yashiri-chan sa loob ng bahay kasi nagseselos siya sakin." Sabi ko kay Toya. Nakakatuwa kasing tignan magselos si Yashiri kaya naisip ko bigla tong game na to.
"All we need to do is pagselosin si Yashiri, and as a girl, alam ko sa mga actions niya ang true feelings niya." Dagdag ko pa.
"She's jealous?"
"Uh huh..kaya kailangan i-provoke pa natin siya para lumabas ang totoo.."
"How?"
"Let's pretend we're into each other. Type na type mo ko and ganun din ako sa'yo. What can you say?"
"Hmm.. Idon't really think it's a good idea..baka magalit sakin-"
"You know, you can never tell, if you'll not gonna try.."
Nakita ko si Toya na mukhang pinag-iisipan talagang mabuti yung suggestion ko. Gusto ko lang talagang maglaro ngayon. I'm not just a good singer, but also a good actress. Since nakakita ako ng magandang eksena, I want to prolong this exciting feeling. I want to play cupid to Toya and Yashiri.
Toya is a real hottie. Pero mas matured na hottie naman ang kuya ko and I'm really proud of it. And for Yashiri, she can be an actress and a model. She's tall, sexy and a natural beauty. Kahit walang make up, she looks innocent and pretty. Maputi at makinis ang balat niya. Bagay sila ni Toya.
"Okay, game.." sa wakas sumagot na rin si Toya. "What are we gonna do first?"
Lumapit ako sa kanya ang tinaas yung mga kamay ko sa balikat niya. Nilapit ko yung mukha ko sa kanya Sa peripheral vision ko, nakita ko si Yashiri na palabas na ng bahay at may dalang baso, T-shirt at towel. Para kay Toya siguro.
"I think it's time to start, Toya-kun." Sabi ko. "Smile at me, honey..." sabi ko kay Toya at binigay ko sa kanya ang pinakamatamis kong ngiti. Na parang inlove na inlove ako sa kanya. God, I miss Seya...
CRACK
Nakita ko na nahulog ni Yashiri yung baso at nakatingin samin ni Toya. Bigla niyang pinulot yung mga bubog. Agad namang kumalas sakin si Toya at lumapit sa kanya. Kaso biglang umeksena si Kuya Hiro. Hmmm worried din si Kuya kay Yashiri? First time ata to ha? Kuya is a cold hearted beast when it comes to other women, pero kay Yashiri, he's so soft. He's so gentle. He's like a knight in shining armor. Hmm...
I think nagsisimula ko nang makita yung resulta ng game na to. But, I'm sure that I'm gonna enjoy this game of mine.
***
~atserkeiram
All Rights Reserved 2013
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.