Legend 57: "We Became One"

1.3K 22 11
                                    

A/N: This chapter is strictly for adults only. Charot! Hahaha may bed scene kasi pero hindi naman masyadong bastusin. It is called lovemaking okay? Haha. First time to sa Soulmates. Yieee.. <3

May music video ulit sila. Just like nung nasa Legend 52. Eternal Love by alan. Enjoy :)

***

 

~Shouko’s POV~

“Paki-ulit nga ang sinabi mo, Empress Shouko?” sabi sa akin ni Saori. Naglalakad kami sa hardin pabalik sa palasyo. Inihatid kasi namin ang aking pamilya sa entrada ng palasyo dahil babalik na sila sa palasyo ng Otaki. Ang aming tahanan sa Chiba.

“Walang naganap sa amin ng Emperor kagabi..” sabi ko.

“Ngunit bakit wala?”

“Nirerespeto niya ako. Ayaw niya akong mabigla..”

“Hay..mabuti naman..”

Napahinto ako sa paglalakad. Maging si Saori ay nabunutan din ng tinik?

“Bakit, Saori?”

“Kasi’y—“

Nahinto si Saori sa pagsasalita nang mapatingin siya sa di kalayuan.

Nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na naglalakad.

Matikas ang pangangatawan nito at nakasuot ng pang-kawal.

“O-Ojiro..” sabi ko.

Alam kong nakita niya ako, ngunit bakit hindi niya ako nilapitan man lang? Umiwas na lamang ito ng tingin sa akin at may kinausap na isa pang kawal. May isang babae na lumapit dito, na siya namang nginitian ni Ojiro.

Ang sakit ng naramdaman ko.

Nagawa niyang ngitian ang ibang tao samantalang ako naman ay iniiwasan niya ng tingin..

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko kung matindi ang hinanakit ko sa kanya..?

Ngunit hindi ko kaya na may ibang babaeng makakatanggap ng kanyang ngiti.

Agad ako naglakad upang sila’y puntahan.

“Empress Shouko..saan ka pupunta?” sabi ni Saori na nakasunod lamang sakin.

“Anong nangyayari dito?” sabi ko habang tinitignan sina Ojiro at ang mga kausap nito.

“E-Empress S-Shouko..” Natatarantang yumuko sa harap ko ang babae at ang kawal. Nakatingin lang ako kay Ojiro na siya namang dahan dahan ding yumuko.

“Magandang umaga, Kamahalan..” sabi ni Ojiro.

Kamahalan?

Nasaan na  yung tawag niya sakin na ‘Prinsesa ko’?

Bakit parang hindi niya ako nakikilala?

“Ojiro..”

“Ah eh..binabati lang ho kami ni Pinuno para sa nalalapit naming kasal, Empress Shouko..” sabi ng kawal.

“Ha? Kasal?” sabi ko.

“O-Oho..” sagot nung babae.

Napatingin ako kay Ojiro. Kaya pala niya nginingitian ang babaeng ito, binabati lang niya dahil ikakasal na pala ang mga ito.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon