A/N: Picture ng magkapatid na Hiroshi at Makino sa gilid :)
****
Yashiri’s POV:
“A-aray..” sabi ko. Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Hiroshi at ginagamot niya yung sugat ko. Sa pagkakalagay niya ng gamot, dun ko palang naramdaman na masakit pala. Naiiyak ako.
“Grabe, maliit na sugat lang to..naiiyak ka na diyan..” sabi ni Hiroshi. Nakita niya siguro na nabubuo na luha sa mata ko. Hinihipan niya yung sugat ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiiyak. Dahil ba sa maliit na hiwa sa daliri ko o dahil sa…
Aaah, dahil sa nakita ko kanina. Onti nalang parang…parang hahalikan na ni Makino si Toya. Naiiyak ako sa selos.
“Alam mo, Koizumi-san, napapadalas ata ang clumsiness mo..nung isang gabi muntik ka na mahulog sa puno tapos natapilok ka pa..ngayon naman, heto nahiwa ka pa..bakit naman kasi kailangan mo pang pulutin yung bubog..” mahabang sermon ni Hiroshi sakin.
Hindi ako makasagot.
Bakit nga ba?
Napailing nalang si Hiroshi. “Hay..okay lalagyan ko na ng band aid tong daliri mo..”
After niya malagyan ng band aid, tumayo siya at tumingin sa bintana. Mga ilang saglit pa tumayo na rin ako palabas ng pinto, pero bago ako makalabas ay tinawag niya ko.
“Alam ko na kung bakit ka ganyan..” sabi ni Hiroshi.
Napalingon ako sa kanya. “Huh?”
Tinuro niya yung labas ng bintana. “Sila no?”
“Don’t assume.” Lalabas na talaga ako sa pinto. Balak pa ata ako paaminin ni Hiroshi.
“I’ll help you…” sabi niya.
“Nevermind, Ueda-san..”
“I’m serious..tutulungan kita..ayaw mo ba malaman kung ano feelings sa’yo ni Toya?”
Paano ko ba malalaman?
Paano naman ako matutulungan ni Hiroshi?
“Siguro iniisip mo kung paano kita matutulungan right?” sabi niya.
“Nagbabasa ka ba ng iniisip ng tao ha?”
Tumawa siya. “Ako bahala sa’yo..” Tapos nun, kinindatan niya ko. Napangiti naman ako. Sige na nga, try ko makisali sa gimik ni Hiroshi.
“Ano gagawin mo?”
“Just trust me okay?” Lumapit siya sakin at nilahad ang kamay niya sakin. Hinawakan ko naman ito.
"Siguro mas maganda sana kung hindi ka na masyadong pormal sa akin." sabi ni Hiroshi.
"What do you mean?"
"Huwag mo na kong tatawagin na 'Ueda-san'. Alam mo ba na sa tuwing tinatawag mo ko na ganun, feeling ko napaka tanda ko na? Tawagin mo nalang ako sa first name ko. Hiroshi is fine."
"Pero hindi pa naman kita ganun ka-close para mag first name basis na tayo."
"Sa tingin mo ba maniniwala si Toya na may something tayong dalawa kung 'Ueda-san' pa rin yung tawag mo sa akin? Huwag mo na isipin kung close ba tayo o hindi. Okay lang talaga sa akin na Hiroshi nalang itawag mo sa akin."
"Are you sure?"
Tumango naman si Hiroshi.
"O-Okay. Hiroshi then."
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.