~Hiroshi’s POV~
“Ikaw ang totoong reincarnation ng samurai na si Ojiro Fujisaki. Ikaw at wala ng iba pa, Kuya Hiroshi..”
Parang may bombang pinasabog si Ayu. This time, totoo na kaya ito? Dapat ba kong maniwala sa kanya?
Ilang tao na ba ang nagsabi sakin na ako raw si Ojiro? Dapat ba kong umasa? Sino ba talaga ang dapat kong paniwalaan?
Hindi na ko nakapagsalita matapos yung mga sinabi ni Ayu kanina. Iniisip ko kung may memories na ba ko ni Ojiro ngayon dahil sinabi na sakin ni Ayu ang katotohanan, kung totoo nga yung mga sinasabi niya. Pero wala pa rin talaga eh. Tama nga kaya si Toya na may nakikipaglaro samin? Si Ayame nga kaya yun? Pero bakit niya gagawin yun? Anong motibo niya?
Napabuntong hininga nalang ako.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa helicopter ng pamilya ni Toya at bumabiyahe papuntang Kyoto. Ito agad ang naisip na paraan ni Ishi para agad na makapunta sa Rozan-Ji Temple. Tinawagan kasi ni Ishi yung tatay ni Toya para manghingi ng tulong. Tinanong pa ng tatay ni Toya kung kailangan bang tumawag ng pulis. Mas mabuti na munang lihim ang nangyari kay Toya, yun ang sabi ni Ishi sa tatay ni Toya. Mga bodyguards nalang ang ipinasama samin para kung sakali mang may mangyari ay may tutulong samin. Naintindihan ko kung bakit ayaw ni Ishi na may involve na mga pulis. Dahil once na makarating ito sa media, patay na. Baka makarating pa sa Royal Family ito. Baka ang dating tahimik na buhay ni Ishi ay biglang mabulabog…
“Alam ko yung iniisip mo ngayon, Kuya Hiroshi. Marami na siguro ang nagsasabi sa’yo na ikaw si Ojiro at umasa ka. Kasi yung babaeng mahal mo ngayon ay ang babaeng minahal mo rin noon. Pero sinira lahat ni Lola Yura ang pag-asa mong yun. Ang totoo kasi, mabigat ang rason ni lola kung bakit niya nagawa yun. Nais niyang protektahan ang pamilya namin.” Sabi ni Ayu na pinaggigitnaan naming ni Ishi sa loob ng helicopter.
“Bakit? Nasa panganib ba ang pamilya niyo?” tanong ko.
“Oo..ang babaeng nagpakita sa’yo noon sa Kyoto ang salarin..tinatakot niya si Lola Yura na papatayin kaming lahat kung di siya susunod sa mga utos niya. Takot na takot si Lola sa babaeng yun at hindi ko alam kung bakit..”
“Paano mo naman nasabing…ako si Ojiro?”
“Nung una palang kayo nagpunta sa Kyoto…alam na ni Lola na kayong dalawa sina Empress Shouko at Ojiro. Dun palang, ginulo na ni Lola ang isipan niyo. Hindi naman niya kayo nilinlang nung una. Sinabi niya ang totoo, sa part ni Ate Yashiri. Sinabi niya ang totoo na siya si Empress Shouko at may makikilala kayo na isang susi para mas malaman pa ang totoo niyong katauhan sa nakalipas. Pero sadyang inilihim niya lang yung tungkol sa’yo dahil alam niyang manganganib ang buhay namin balang araw…at ito na nga yun.”
“Pero sino ba ang babaeng yun? Bakit niya kayo papatayin kapag hindi kayo sumunod sa kanya?” tanong ni Ishi.
“Hindi ko siya kilala…hindi ko pa nakikita ang mukha niya..”
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.