Picture of Kenji Mizuki, anime version, sa gilid. Ang hot niya lang hehe di ba @Almondss? :)
***
Autumn / October 2007
~Hiroshi’s POV~
“What are you trying to say? Hindi mo nagawa yung project?” sabi ni Daddy. Nasa Board room kami ngayon ni Kenji sa office ni Dad.
“Yes, Dad. I’m a failure…” sabi ko habang nakayuko. Never kong sasabihin sa kanya mga nalaman ko tungkol sa legend.
“Alam ko na yan from the start palang. Isa kang malaking talunan. You’re a big disappointment.” Galit na sabi ni Daddy.
Masasakit na salita pa rin naririnig ko sa sarili kong ama. Simula nung mangyari yung paglalayas at pagsira sa buhay ko, hindi na kami naging maayos na tatay ko. Kailangan kayanin ko lahat ng mga sasabihin niya, for Ishi's sake. For the person I love.
“Pero, Sir. We have an alternative plan.” Sabi ni Kenji. He never called my Dad as Tito dahil takot si Kenji sa tatay ko. Noon pa man nakita na niya kung gaano kagalit sakin si Daddy.
“What plan? Are you both nuts? Yun ang binigay ko sa inyong kundisyon. Wala ng iba..ipapasara ko na yung kumpanya for a better replacement..for a better business!”
“But Dad! Hear us out..” sabi ko.
Biglang tumayo si Daddy. “Sinayang niyo lang yung binigay kong chance sa inyo. At the same time, sinasayang niyo lang oras ko ngayon. Marami pa kong meeting na pupuntahan..”
Tumayo na rin ako at pilit na hinabol si Daddy para abutin yung folder na naglalaman ng proposal namin ni Kenji.
“Dad, please..” sabi ko.
Huminto naman si Daddy at tinitigan lang yung folder na hawak ko.
“Don’t push me, Hiro. I already gave you a chance..now will you please go already? Busy ako.” Umalis na si Dad. He just ignored my proposal. I feel like a jerk.
Nalaglag mga balikat ko. He’s a very cold man. Hindi naman ganun ang tatay ko noon. He’s gentle and nice. Mahal na mahal niya kami ni Maki. But because of me, tuluyang nagbago si Daddy.
Tinapik ni Kenji yung balikat ko. “Sorry pre..”
“I’ll never give up, Ken. Pinaghirapan natin to. Nakausap ko na si Seya and he’ll help us out. Let’s go..”
“Saan?”
“Sa Tokyo. Sa agency nina Seya.”
“Sige..tara na..”
***
“Thanks for your time, Seya..” sabi ko kay Seya. Nasa isang coffee shop kami malapit sa agency nila.
“Okay lang pare. Nabasa ko nga yung text mo. Nakausap ko na yung big boss namin and he’s interested with your proposal. Mas okay nga yun para mabuild up yung newspaper industry dito satin..”
“Talaga? Interesado siya?”
“Yeah. Gusto ka niyang mameet next time. Kaso nasa out of town siya ngayon for a vacation.”
“Sige, just give me a call. Decided na si Daddy na ipasara yung company..”
“Mali naman ata diskarte ng tatay mo. Dapat nga tinutulungan ka niya sa proposal mo. Ang ganda kaya ng idea niyo..”
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.