Teaser

9.2K 92 36
                                    

Author's Note (A/N)

Habang binabasa niyo ang story na to, isipin niyo nalang na nanonood kayo ng anime or jdorama (Japanese Drama/Movie). Dahil ang setting ng novel na to ay sa Japan at ang mga characters ay of course, Japanese. Hehe. 

Pasensya na rin po sa mga typo. Wala rin kasi akong time mag check per chapter haha :)

Siguradong mapapaisip kayo ng malalim sa story na to and at the same time, kikiligin kayo sa mga romantic scenes. This is a Romance/Mystery/Historical novel. Minsan comedy, minsan horror. Okay, halos lahat na ng genre nandito na haha. Sana magustuhan niyo. Maraming salamat sa pagbabasa ng "Soulmates". 

Please follow Soulmates Series on Facebook. Just search Soulmates Series by atserkeiram and you'll find it. Hit like and Share the page. Pa-follow na rin po ang ating official twitter account, @SeriesSoulmates. If you also like to follow me on Instagram and Twitter, here is my username @atserkeiram.

Thank you guys :)

Enjoy reading! (>_<)

*** You can play the trailer in the multimedia section while reading the teaser. May picture ang mga protagonist ng story sa gilid. :)

Soulmates Teaser:

True love is endless, true love can wait...A legend about an everlasting and undying love of a Samurai and an Empress. How can a simple girl and a photographer from the present time unfold the mystery of the past?

"Noong unang panahon, ayon sa isang alamat, isang magandang babae mula sa mayamang angkan ang iibig sa isang mandirigmang samurai. Ngunit nang dahil sa isang insidente, nagkahiwalay sila..at araw-araw, hinihintay ng magandang babae ang kanyang minamahal sa ilalim ng malaking puno sa tuktok ng bundok sa Chiba..kung saan nakatayo ngayon ang Inubosaki Lighthouse..sa takdang panahon daw, magkikita silang muli ng mahal niya.."

Madalas ikwento sakin ni Lola Yumi ang alamat na 'to. Tagpuan daw ng soulmates ang lighthouse na yun. Maniniwala ba ko?Alamat lang naman yun.

Pero isang pangyayari ang hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko. Summer vacation nun at hindi ko nalang namalayan, nasa taas na pala ako ng lighthouse na yun...

"Miss huwag kang magpapakamatay!"

Isang boses ng lalaki. Nagulat ako bigla nalang may yumakap sakin sa likuran ko at hinila ako palayo sa railings ng lighthouse.

Habang yakap ako ng misteryosong lalaki, isang boses ang narinig ko...

at ang sabi niya'y...

" Alam ko..magkikita tayong muli..."

***

~atserkeiram


All Rights Reserved 2013

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon